[MCBB12]
Kc POV
Nag lalakad ako mag-isa dito sa corridor papuntang library, Wala kase kaming klase sa Science ngayon kase may meeting yung teacher namin, tatambay sana ako sa room para matulog kaso nandoon yung mga takas mental na mga kaklase ko, ang iingay talaga kahit kelan -__-, gusto ko sana sa garden kaso kanina pag punta ko nandoon yung nga senior kaya umalis na lang din ako, pupunta sana ako sa rooftop kaso baka nandoon yung multong tao nayun kaya 'no choice ako kundi dito sa library.
Hays alam niyo bang tumakas lang ako kila Kellight at Kris? grabe ang kakulitan nung dalawang yun ang sakit nila sa ulo, niyaya kase nila akong lumabas muna ng school tutal wala naman daw kaming teacher, Nakailang tanggi nako sa kanila kaso ang dalawa kinulit kulit pa ako kaya ayan tumakas ako buti nga naka takas ako sa dalawang yun, Grabe nakakabaliw silang kasama parehas ang dadaldal hays sakit sa ulo at sa tenga.
Napailing na lang ako at nag hikab at inistrech pa ang mga braso ko, aish inaantok na talaga ako, Kanina kopang gustong matulog.
"Inaantok ka yata"
"Ay kaboteng walangjo"
Biglang sabi ko ng biglang may mag salita sa gilid ko, huminto naman ako at sinamaan siya ng tingin."Haha sorry nagulat ba kita?"
Tawang tanong niya, obvious ba ? Tss bwisit na lalaking 'to wala ba siyang klase at nag gagala gala siya dito?"Muka bang nagulat mo'ko?"
Mataray na sabi ko sa kaniya, tumawa lang siya ng mahina kaya tinarayan ko ulit siya."Iba ka talaga Kel, haha kaya sayo ako ei"
Sabi niya sabay ngiti sakin, napa kunot noo naman ako? Anong akin siya? Ha?"Ano na naman bang sininghot mo Brixsy?"
Taas kilay na tanong ko, kaso tinawanan niya lang ako malala na'to grabe."Hindi ako adik Kel haha, Sayo lang"
Nakangiting sabi niya saka pinisil ang pisngi ko, hindi ko naman maintindihan yung sinabi niya, Hindi daw siya adik , sakin lang? Ha? Siguro isuggest kona ipa mental na si Brixsy kung ano ano na ang sinasabi ei nababaliw na yata."Haha At lalong hindi ako baliw 'no, Sayo lang talaga"
Tawa pang sabi niya, Okay confirm tama talaga ang hinala ko, matagal ko ng napapansin sa kaniya to."Brixsy , matagal kona talagang nahahalata to ei..."
Sabi ko sa kaniya, muka namang nabigla siya sa sinabi ko dahil bigla siyang napahinto.
"...matagal kona ding napapansin to sa way ng pag kausap mo sakin"
Dugtong kopa, muka namang nag papanic si Brixsy."A-ah... K-Kel kase---"
Putol na sabi niya ng bigla akong mag salita"Alam ko ng Alien ka"
Daretsong sabi ko, napatitig naman siya sakin ng matagal, na parang hindi maka paniwala sa sinabi ko, kahit ako din naman hindi maka paniwala na alien siya grabe hindi ko akalaing totoo pala sila hays.
"Okay lang yan Brixsy,Itatago ko ang sekreto mo sa--"
Putol na sabi ko ng bigla na lang siyang, humalakhak ng bongang bonga, napa tingin naman ako sa kaniya na hindi matigil sa kakatawa."Langhiya Kel hahaha!!! Hindi ako Alien hahaha"
Tawang tawang sabi niya hinahampas pa nga niya yung pader ei -___-, mali ba ako?
"Hahaha Ang gwapo ko namang alien hahaha iba ka talaga Kel hahaha"
Tawa niya pang sabi, pinanliitan ko naman siya ng mata."So hindi ka alien?"
Tanong ko , huminto naman siya saglit sa pag tawa at tumingin sakin na nag pipigil ng tawa."Syempre Hindi haha"
Sagot niya, so hindi pala siya alien? Ugh KC ano bang merong utak ka ha? Kelan kapa ba naka kita ng alien? Aishhhh nakakahiya ka talaga KC!
Napapout na lang ako sa sobrang kakahiyan ko l.ano bang kabaliwan na naman ba ang naisip ko at pinag kamalan ko pa si Brixsy na alien? nababaliw nadin siguro ako? Baka kailangan kona talagang mag pa check-up?