CHAPTER 46 - His pain

123 8 8
                                    

Mayyli: So ayun HAHAHA  Ang Chapter po na ito ay Dedicated to my Fanboy HAHA  naks. MarcG05 Thank you so much lablab❤

**********

[MCBB46]

Hance POV

"Oh? Buhay kapa pala?"
Birong tanong ni Edward pag pasok ko, nilag pasan ko lang naman sya at saka sumalampak sa sofa dito sa condo naming lima, ginagawa naming tambayan to pero hindi kame dito tumitira.
"Ayos ah? Baka gusto mong ikuha pa kita ng tubig Mr. Gonzales?"
Sarkastikong sabi nya, sinandal ko naman ang ulo ko sa sandalan netong sofa at saka pumikit.

"Sige"

"Lakas! Wala kang dulot kahit kelan"
Sabi nya at saka ako binato ng unan sa muka.

"Tss... nag alok-alok ka dyan, ikaw pa galit."

"Oh? Talaga? Untog kita sa pader ei"

"Tss.. nasan yung iba?"
Tanong ko at inilibot ang paningin ko sa paligid.

"Nag pa kamatay na"

"Buti naman, Dapat sumama kana"
Sabi ko.

"Tengene mo Hance ! pakyu ka ! Ganyan napapala ng broken ei... nababaliw! Ulol!"
Sinamaan ko naman sya ng tingin, nakatatlong mura pa tss.
"HAHAHA sige broken broh tawagin ko lang sila, matulog ka na muna d'yan, kahit habang buhay na"
Siraulo talaga to., Senenyasan ko lang sya na umalis na, hindi payan makakaalis kakadaldal,  kalalaking tao.

Pumikit ulit ako, hindi ko alam kung ano ba ang mararamdaman ko, Naalala ko na naman ang muka nya kanina.

Im sorry.

Flashback >>>>

"H-Hance"
Napahinto ako sa pag lalakad at ramdam ko ang biglang pag bilis ng tibok ng puso ko, Hindi ko sya magawang lingunin.
"P-Pwede ba tayong m-mag... usap?"
dinig kong tanong nya pero hindi ko man lang magawang ibuka ang bibig ko.

Humakbang ako ulit at aasta na mag lalakad pero hinawakan nya ako sa braso.

"May Gusto lang akong itanong"
Sabi pa nya pero hindi ko man lang magawang sumagot.
"H-Hance"
Tawag nya ulit, bumuntong hininga ako saka lakas loob na humarap  sa kanya.

"Okay"
Tipid na sagot ko, nakita ko ang bigla at lungkot sa mga mata nya.

Hindi sya nag salita at nanatiling nakatitig sa'kin, parang pinag-aaralan nya ang mga mata ko, parang gusto nyang basahin kung ano bang iniisip ko.

Sandali pa kaming naging tahimik bago ko binasag ang nakakabinging katahimikan nayun.

"Ang akala ko ay may sasabihin ka?"
Malamig na tanong ko.
".. Sinasayang mo ang oras ko"
Sabi kopa at saka sya tinalikuran na, nadinig ko naman ang buntong hininga nya.

"Gusto kong malaman kung ano bang dahilan mo"
Napatigil ako saglit At dahan-dahang napalingon ulit sa kanya.
"G-Gusto kong malaman kung... anong dahilan Hance... Kung bakit ? Kung bakit mo ako sinasaktan ng ganito"
Sabi pa nya at kita ko ang pangingilig ng luha
Sa mata nya kaya napa-iwas ako ng tingin.

Gusto ko syang yakapin ngayon pero pinipilit kong pigilin ang sarili ko, Natatakot akong baka pag ginawa ko yun... baka hindi kona sya kayang pakawalan pa.

'Hindi lang ikaw ang nahihirapan at nasasaktan KC, kung alam mo lang na doble ang epekto sakin  netong ginagawa ko... Hindi ko to ginusto pero... kailangan para sa ikabubuti mo

"Sinabi kona ang dahilan ko"
Iwas tingin na sabi ko.

"H-Hindi ako naniniwala Hance, Kung Hindi Mo ako  mahal at ayaw mo akong pakasalan.... s-sana una palang tumanggi kana sa Contratang yun! Sana lumayo kana sakin! sana hindi mona pinaramdam na mahalaga ako sayo... sana hindi mona ginawa lahat ng mga bagay na'yun sakin! Kaya hindi ako naniniwala sa dahilan mo"
Sabi nya na ikina lingon ko sa kanya, nakatingin padin sya sakin at pumapatak na ang luha sa mag kabilang mata.

MR.COLD BAD BOY ( EDITING )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon