[MCBB20]
KC POV
"Ugh ansakit ng katawan ko"
Daing ko ng subukan kong tumayo mula sa kama ko, nasa bahay na pala ako dinala na ako dito nila Brixs at Hanceltot kasama pa nga si Kellight at Kris ei."Naka uwi na sila Kris at Kellight"
Biglang pasok ni Brixsy sa kwarto ko, gabi na kase at kanina pa sila dito kaya pinauwi kona sila, ayaw pa nga sana ni Kris kaso wala siyang nagawa kaya umuwi na siya."Umuwi kana din, hays naiirita talaga ako kapag may pumapasok sa kwarto ko"
Sabi ko at inirapan siya, kanina pa nga ako reklamo ng reklamo dahil pasok sila ng pasok sa kwarto ko, sinubukan ko ulit tumayo kaso aish ang sakit talaga ng katawan ko."Kel naman wag mona ngang pilitin tumayo, humiga ka lang diyan"
Sabi niya at saka tinulak ang noo ko kaya napabalik ako sa pag kakahiga, sinamaan ko naman siya ng tingin."Gusto ko ng tumayo, ano ba Brixsy"
Reklamo ko sa kaniya kaso ang mokong sumandal lang sa pader at tumingin lang sakin."Wag ng makulit Kel hindi kapa nga malakas oh"
Sabi niya, inirapan ko naman siya pag ako talaga nag kalakas na paalala niyo sakin na batukan tong si Brixsy ah?"Naman Brixsy nakakainis ka, nagugutom na ako saka ayoko na dito sa kwarto"
Giit ko sa kaniya at nag ngumuso, totoo naman kase na ayaw kona dito sa kwarto hindi naman ako inaantok saka nagugutom na talaga ako T—T"Ayt bakit kase wala pa sila Nath ei"
Kamot ulong sabi niya at saka nag lakad palabas sana ng tawagin ko siya."Oo nga pala, nasaan sila Kuya? Saan na naman yun nag punta? Kanina pa uwian nila ah"
Tanong ko kay Brixsy kaya napa harap siya sakin, kanina pa kase ako dito sa bahay pero hindi ko pa nakikita si Kuya, saang lupalop na naman ba siya nag punta? Alam niya kaya yung nang yare sakin? Hays siguradong sermon na naman 'to."May pinuntahan lang sila, sige dito ka lang wag kang tatayo diyan"
Sabi niya at hinawakan na ang doorknob."Teka saan ka naman pupunta?"
Tanong ko sa kaniya, humarap niya saakin at saka ngumiti ng nakakaloko, okay hindi ko gusto ang ngiti niya."Bibili lang ako ng pagkain mo, Kel naman saglit lang akong aalis namimiss mona agad ako"
Sabi niya saka kumindat pa sakin, kumuha naman ako ng unan saka binato sa kaniya walangjo talaga kahit kelan."Umalis kana kahit wag ka nang bumlik"
Sabi ko at binato siya ulit ng unan."Yaan mo babalik agad ako baby hahaha"
Tawang tawang sabi niya at nag flyingkiss pa sakin, binato ko agad siya ng unan."KILABUTAN KA NGA BRIXSY, LUMAYAS KANA!"
Sigaw ko sa kaniya habang siya tawa lang ng tawa habang lumalabas ng kwarto ko, walangjo talaga yung lalaking yun.Bumalik na ulit ako sa pag ka higa nung nakalabas na si Brixsy , aish ang sakit parin talaga ng anit ko feeling ko natanggal lahat ng buhok ko aish, pasalamat sila hindi ako lumaban pinag bigyan ko sila kase nauunawaan kong nadala lang sila ng emosiyon at inggit pero hindi kona hahayaang maulit payun dahil baka sila na ang ganituhin ko , ay hindi baka sila ang malumpo pag ako lumaban na sa kanila tss.
Narinig ko naman na nag vibrate ng dalawang beses ang cellphone ko kaya kinuha ko dito sa maliit na tukador sa gilid ko.
May 2 message ako kaya agad kong binuksan.[From; Nath pogi:
Mag pahinga ka lang, pauwe nako][From; Handsome Brixs:
Wait mo lang ako baby, bibili lang kita ng foods okay hahaha ;*]Agad na nireplyan ko si Kuya, pero napakunot noo ako dahil sa pag kakaalam ko wala naman akong number ni Brixsy ah? Ayt pinakaelaman niya siguro tong cellphone ko? walangjo talaga, pinalitan ko ang pangalan ni Brixsy sa cellphone ko at ginawa kong, Brixsy Shushu hehe.