[MCBB51]
KC POV
Nakaupo na ako ngayon sa mahabang sofa dito sa sala daw nila na sobrang lawak, andaming paintings at kung ano anong mukang mamahalin na bagay, meron nga ding malaking picture frame na may muka nila Hance.
"Who are you ugly lady?"
Nabaling sa maliit na boses na yun ang atensyon ko at napatayo ako ng makita ko ang isang cute na batang lalake, muka siyang 7 years old."Ahm. H-Hi"
Ngiting bati ko sa kaniya pero hindi naman siya ngumiti pabalik. Muka syang masungit , little version ni Hanceltot hahaha."I am asking you ugly lady, who are you?"
Masungit padin na tanong saakin nung batang maliit, maka ugly naman tong batang to -__-"Ah, hehe Im Kelrish"
Ngiti pading sagot ko sa kaniya."And why are you here? Are you the new maid?"
Seryosong tanong niya, what the hell? May maid bang naka school uniform? Pilit naman akong ngumiti sa kaniya."Ah.. kasama ako ni---"
"Havein! "
Naputol ang sasabihin ko at nabaling sa sumigaw nayun ang atensyon namin.Isang magandang dalagang babae ang lumapit saamin.
"Ayusin mo nga yung mga laruan mo don! Papagalitan kapa ni Daddy pag nakita niya yun"
Sabi nung babae dun sa maliit na bata na inirapan lang siya."Tss. You're so noisy Ate Monica"
Sabi nung bata doon sa Ate niya na Monica daw ang pangalan, so si Havein yung bata at si Monica yung babae."Blah blah blah... ayusin mona yun!"
Sigaw sa kaniya ng Ate niya pero hindi niya pinansin at humarap saakin."Later, I am not yet finish talking to her"
Sabi ni Havein habang nakatingin saakin kaya napatingin din saakin si Monica na Ate niya."Oh my gosh"
Gulat na sabi ni Monica at napatakip pa ng bibig habang nakatingin sakin? Hala?"H-Hi?"
Yun lang ang nasabi ko."Do you know her?"
Tanong ni Havein sa Ate niya."Yeah, siya yung babae don sa kwarto ni Kuya Clayd! Siya yung nandoon sa poster! Oh.my.gosh ang ganda mo"
Sabi nung Monica at hinawakan pa ako sa mag ka bilang braso. Pilit ngiti lang naman ang ginanti ko.Nakakagulat siya alam niyo yun?
"No. she's ugly, are you blind?"
Sabi naman ni Havein -___- kanina pa ako iniinsulto neto ah."Ugly? Can't you see? She's a goddess..."
Sabi ni Monica at saka tumingin ulit saakin at ngumiti.
"...Hi! Im Monica Jane Gonzales and you are?"
Nakangiting tanong niya saakin."I-Im---"
Hindi ko na naman na tapos ang sasabihin ko ng biglang may pumasok sa pinto kaya napalingon kaming tatlo."What are you doing?"
Kunot noong tanong nung lalaki na kakapasok lang. Sino naman 'to?
"And who are you lady?"
Nabaling naman saakin yung tingin niya, nanlaki naman ang mata ko dahil kamuka niya si Hance, eh?"Hindi siya si Kuya Clayd hihi"
Dinig kong bulong ni Monica saakin na ikinakunot ng noo ko."Ha? A-ah k-kasama ako ni H-Hance"
Kinakabahang sagot ko, lumapit naman saamin yung lalaki at saka ako tinitigan na ikinailang ko.Bakit ba ang weweird ng mga tao dito? >.<
"KC? Right?"
Sabi nung lalaki saakin na tinanguan ko lang. Kilala niya ako?"Hi Ate KC"
Nakangiting bati ulit ni Monica saakin."Hi"
"KC? You said your name is KeLrish"
Kunot noong sabi ni Havein, napakamot ulo naman ako.