[MCBB24]
KC POV
Uwian na at wala akong sundo, great right? Psh bwisit na kotse yan sira padin , hindi naman ako masundo ni Nanong dahil siya nga yung nag aayos ng kotse namin, at ang napaka galing ko namang Kuya ay hindi pa umuuwi hindi ko alam kung nasan siya at nag aalala na talaga ako, tinanong kona sila Brixsy kaso iniiwasan nila ako, just great grabe -__-, gusto ko sanang sumabay kay Kellight kaso nakakahiya naman at saka napansin ko din na parang wala siya sa mood ngayon, si Kris naman hindi pumasok kaya wala akong choice kundi ...
MAGLAKAD.At sinisimulan kona nga ngayon, grabe lang andaming tambay sa kalye, 4:20 na nang hapon kame pinalabas dahil nag extend pa ng oras yung last subject namin kaya mukang gagabihin talaga ako sa daan, speaking of, nag lalakad akong mag isa ngayon , sana naman hindi ako pag tripan dito sa daan, kase ganon yung mga nababasa ko sa mga story ei, baka lang naman pero wag naman sana.
Nag patuloy lang ako sa pag lalakad ko habang naka yuko, hindi ako sanay sa mga tao, diba nga bago pa dumating yung 5 badboys at si Kellight at Kris sa buhay ko wala talaga akong ibang kaibigan, o wala talagang nakikipag usap at nakikipag kaibigan saakin simula dati pa kaya nga, hindi ako sanay sa tao.
Tahimik lang akong nag lalakad , malapit ng mag 5:00 kaya medyo palubog na ang araw, binilisan kona ang lakad ko dahil ayokong abutin ng gabi sa daan.
"Bwisit yari talaga si Kuya saakin pag-uwi ko at pag wala pa siya nako talaga, susumbong ko siya kay Daddy"
Sabi ko habang nag lalakad ng medyo mabilis na, may nadadaanan kase ako na mga nag iinuman sa kalsada at yung iba mga binatang nakatambay lang."Witwiw ... hello miss"
Tawag sakin nung mga tambay doon sa gilid kaya lalo kong binilisan ang lakad ko, na para na akong tatakbo, first time ko lang mag lakad ng pauwe ah... at hindi ako sanay >.<, nakakatakot pa naman sa kalsada.Ako na lang mag isang estudyante ang nag lalakad ngayon sa kalye, nakakainis talaga sana hindi ako maka salubang ng mga goons , kakaratihin ko talaga sila pag nag kataon, paliko na ako sa isang kalye papuntang subdivision namin, nang may maka salubong ako
"Ay kabute, hays Kuya naman ng gugulat ka"
Sabi ko doon sa mamang naka sa lubong ko, hindi naman siya mukang goon, Kase muka lang syang nasa 20's ganon, magugulatin talaga ako, kaya hindi na ako mag tataka kung mag ka sakit man ako sa puso."Sorry, nawawala kase ako, mag tatanong lang sana ako kung nasaan 'to"
Sabi niya saka pinakita saakin yung mapang hawak niya, at may tinuro duon, kinuha ko naman yun at saka tinignan ng mabuti.Hindi naman saamin tong mapa ah? Parang hindi naman to mapa? Para siyang blue print ng building ganon, napa kunot noo ako saka tinignan yung manong kaso... wala na siya? Nasaan nayun?
Haharap sana ako sa likod ko ng, may mag takip sa bibig ko, pumiglas ako pero bakit? Bakit parang nahihilo yata ako?, unti unting dumilim ang paningin ko hanggang sa wala na akong nakita.
***********
Nath POV"Manang nasan si Coreen?"
Sigaw na tanong ko kay Manang , pag kapasok ko sa bahay , kakauwi ko lang galing bar nila Edward, nag kita kase kami doon nila Jhon, ngayon lang ako naka uwi dahil kahapon may inasikaso akong ibang bagay.Alam kong nag aalala na si Coreen saakin dahil hindi ako umuwi kahapon, at alam kong sesermonan na naman ako ng kapatid ko, minsan nga mas muka pa siyang matanda saakin kung makasermon, pero sana naman okay lang siya, kanina pa kase ako kinakabahan dahil sa banta ng evils , at oo binabantaan nila kame, Sila din ang dahilan kaya hindi ako naka uwi kahapon, pumunta kase ako sa ospital pag ka tapos ako dalhin nang kaibigan ni Coreen sa clinic kahapon dumating naman yung apat, sinermonan agad ako pag dating nia hindi man lang tinanong kung okay lang ba ako? Pero ang malupit sa kwento nila ay hindi ko mapaniwalaan, tumawa daw si Hance at inasar pa ang kapatid ko, Nagulat ako nung una ,syempre isang himala yata ang pag tawa niya at nakakapang hinayang talaga at hindi ko nakita yun tss tss! Ka badtrip talaga.