Chapter 40- Bakit?

126 4 17
                                    

[MCBB40]

KC POV

*PAK*

Nagulat ako ng bigla na lang akong sampalin ni Dave ng malakas, napabaling ang muka ko sa kabilang gilid, ramdam ko din ang pagkirot ng pisngi ko dahil sa lakas ng pag sampal niya saakin.

"Pinatay mo siya Coreen! Ng dahil sayo namatay ang kapatid ko!"
Puno ng galit na sigaw saakin ni Dave, ramdam ko ang pag tulo ng mga luha ko, Napa pikit na lang ako, hindi ko siya pinatay, Yan ang paulit ulit na sinasabi ko sa sarili ko.

"Boss, nandito na sila"
Dinig kong sabi ng isang lalaki, Napadilat ako at napatingin sa kanila, May mga lalaking naka itim ang kasama na namin.

"Alam nyo na ang gagawin"
Sabi ni Dave, habang naka tingin saakin, Tumango lang ang lalaki at saka umalis kasama ang iba, Habang naiwan naman ang ibang lalaki kasama namin.
"Kalagan nyo na siya"
Utos ni Dave sa mga tauhan nya, Para akong nabuhayan ng loob ng sinabi nyang 'yun saakin at ng kalagan na ako ng mga lalaking nakaitim, Mag papasalamat na sana ako dahil don, Pero pag katayong pag katayo ko, bigla na lang niya akong hinampas ng baril sa muka kaya napa higa ako sa sahig.

"Ihanda mona ang sarili mo..."
Dinig kong sabi niya at saka umupo  sa harap ko saka hinigit ang buhok ko at inangat ang ulo ko paharap sa kaniya.
"...dahil nag uumpisa palang ako."
bulong niya at saka marahas na binitawan ang buhok ko, Hindi naman ako makapag salita.

Kuya Nath, Hance. Nasan na kayo?

*-*-*-*-*-*-*
Edward POV

[Shit! Bilisan niyo pumunta dito.]
Sabi ni Nath sa kabilang linya, Kasabay ng pag putok ng baril, Napamura naman ako

"On the way na Halk."
Sagot ko  sa kaniya.

[Damn. Kanina payang on the way nyo! Mapapatay na kami dito ni Hance, wala kaming laban sa baril]
Pagalit na sabi niya saakin, Hays naman oh! Bakit ba kase may mga baril sila? Ano? Balak talaga nila kaming tuluyan? Nyeta sayang lahi ko.

"Easy lang Halk, ang atat mo kaseng pumunta dyan, Tapos ngayon nag rereklamo ka?"
Sabi ko sa kaniya at saka binilisan ang pag papatakbo ng kotse ko, Naiiwan na ako nang dalawa ei.

[Damn you Pwentes! Just go here NOW!]
Sigaw ni Nath sa kabilang linya, Napairap naman ako, ngene talaga ng lalaking 'to, Kinakabahan na nga ako kanina pa, dumadagdag pa'tong isang 'to.

"Oo na! Oo na! Dadating kame dyan bago kapa mamatay kaya easy lang, Nga pala Halk may kasama kame, alam mona resback"
Natatawang sabi ko, Napabaling ako sa tao sa gilid ko, ngumisi lang siya saakin napangisi din tuloy ako, Siguradong matutuwa si Nath pag nalaman niya kung sino ang kasama ko ngayon bwahahaha.

"Who?"
Tipid na tanong niya, naiimagine nyo ba? Habang nasa gera si Nath nakikipag chikahan pa sakin sa cellphone ? Pfftt hahahha. Okay ako lang natawa.

"Si Zack"
cool na sabi ko. Nadinig ko ang  pag mura ni Nath sa kabilang linya, Habang etong katabi ko parang wala lang, Pfft mag kikita na naman ang mag karibal bwhahaha masaya 'to.

Ilang sandali pa nakarating na kame sa kuta ng Evils. Mga aswang yata tong mga to ang hilig sa mga liblib na lugar. Nag babaan kame sa mga sasakyan namin, nakita namin ang mga nakabulagtang mga lalaking nakaitim sa labas, Mga pinatumba yata nila Halk.

Pumasok kame sa isang abandonadong lugar na'to na sobrang lawak, nangungunang mag lakad si Brixs saamin, Tss kanina pa beastmode yang kumag nayan, aba si KC na yata ang pinag uusapan kaya seryoso kaming lahat, Kahit di halata sakin kase ang gwapo ko.

Pero seryosong usapan kanina padin ako kinakabahan, Hindi na kase to katulad nang una, Nung una nilang kinuha si KC, alam naming sinusubukan lang nila kame, Pero ngayon, masasabi kong papatayin na talaga nila kame kung hindi namin sila uunahan, Kilala na namin ang bagong boss ng Evils at ang sabi ni Halk Parte daw ng nakaraan ni KC, si Dave. At doon ako naguguluhan, May nakaraan pala si KC?
Pero ang mas ikinababahala ko, gusto niyang patayin si KC sa hindi ko malamang dahilan, kaya ganto na lang kaseryoso at kabado kaming lahat.

MR.COLD BAD BOY ( EDITING )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon