Chapter 17-Im here

198 27 1
                                    

[MCBB17]

KC POV

"Salamat po sa pag hatid"
Sabi ko kay manong na driver namin ng makababa na ako sa sasakyan.

Nag lakad agad ako papasok ng gate ng school, sa harap lang kase ako ng gate nag papahatid , nag lakad na ako papasok hindi ako late ngayon ahmm.. sabihin na nating hindi na ako nalalate minsan na lang hahaha, pero habang nag lalakad ako ngayon sa hallway pansin ko ang mga mata ng mga estudyante ay saakin naka tuon? May dumi ba ako sa muka?

Hindi ko na lang sila pinansin dahil madami akong iniisip ngayon at ayokong idagdag pa sila hays, ano kaya sa tingin niyo ang magandang gawin ko? Lasunin ko kaya si Hanceltot? Para hindi na kame makasal? Ay ang sama ko naman kung gagawin ko yun, eh kung ihulog ko siya sa bangin? Hahaha joke lang hindi ko magagawa yun,hays hindi ko lang talaga matanggap na siya ang fiancè ko na sa dinami dami ng lalaki sa earth siya ang naging fiancè ko, bakit siya pa diba? Bakit yung multong yun pa?
Napatigil ako sa pag iisip ko ng madinig ko ang mga bulungan at parinig sakin ng mga estudyante, Seryoso anong problema nila?

"Malandi talaga"
"Kala ko simpleng babae lang siya nasa loob pala ang kalandian"
"Diba kapatid siya ni prince Nath"
"Lahat na yata ng gwapong makita niya pinapatos niya"
"What a bitvh"
"Ang kapal naman niyang landian ang mga prince ng university"
"Ang kapal talaga ng muka"

Ilan lang yan sa mga naririnig ko sa paligid ko, kaya napa yuko na lang ako, ano ba ang nagawa ko? Binilisan ko na lang ang lakad ko dahil lahat ng nadadaanan ko puro ganyan na lang ang sinasabi, na ang landi landi ko daw at ang kapal ng muka ko? Ano ba ang ginawa ko?

Mabilis akong naka punta sa room namin ng naka yuko at agad na umupo sa upuan ko, ano ba ang ginawa ko para sabihan nila ako ng malandi? Hays sumasakit ang ulo ko sa dami ng iniisip ko ugh, ano bang nang yayare sa mundo at puro na lang kamalasan ang binibigay sakin? Napaka sama kona bang tao para ganituhin?

"Bess? Okay ka lang ba?"
Nagulat ako ng bigla lumitaw sa harap ko si Kellight na humahangos, kakapasok niya lang siguro.

"Oo naman, bakit?"
Tanong ko, bumuntong hinga naman siya at saka umupo sa upuan niya na parang pagod na pagod.

"Hay mabuti naman"
Sabi niya at saka ngumiti sakin, kinunutan ko naman siya ng  noo ano bang nang yare sa kaniya?

"Anong buti naman?"
Tanong ko ulit sa kaniya, humarap naman siya sakin na mukang nag-aalala.

"Narinig mona ba yung mga tismis?"
Tanong  niya, na ikinairap ko yeah yung tismis nayan syempre alam ko ako kaya yung pinag titismisan.

"Na malandi ako? Oo alam kona"
Mapait na sabi ko at saka sumandal sa upuan ko, grabe ang aga aga ayun agad ang nadinig ko, lahat yata sinasabihan ako ng malandi, wala naman akong ginagawa.

"Hindi lang yun bess"
Nag aalalang sabi niya kaya napatingin ako sa kaniya , so may iba pa?
"alam mo bang kalat na kalat na din na kaya ka daw dumidikit at nilalandi ang mga badboys ng university, dahil gusto mo daw sumikat sa buong university"
Dugtong niya pa na ikinalaki ng mata ko? Anong kalokohan naman 'yun?

"Sinong nag sabi non? Pinalagpas kona nga yung sinabihan nila ako malandi pero grabe naman yata yun kahit kelan hindi ko ginustong maging sikat dito sa university"
Nanlulumong sabi ko, hindi ko lang kase maintindihan bakit kailangan nila akong siraan wala naman akong ginagawang masama sa kanila.

"Alam ko naman yun bess at alam mo namang hindi ako naniniwala doon diba"
Sabi niya kaya tumango tango ako.

"Kellight,  Sabihin mo sino ba ang nag pakalat na... na malandi ako?"
Tanong ko at hinarap siya, muka namang nag aalala siya saakin alam niyo nag papasalamat ako dahil naging kaibigan ko si Kellight.

MR.COLD BAD BOY ( EDITING )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon