[MCBB33]
KC POV
Exam na namin ngayon, kaya kailangan kong mag focus, kailangan kong makapasa dito, kahit na hindi ako masyadong nakapag concentrate sa pag rereview ko kagabi, dahil sa sinabi ng multong tao nayun, ughhh nakakainis siya hindi lang naman ako nakakain ng maayos, at hindi din ako nakatulog ng mahaba, as in naloloka nayata ako kahapon dahil sa sinabi niya na
'Pero pano kung ikaw naman ang hinahanap-hanap ko?'
Shocks lang hindi ko alam kung may ibig sabihin ba siya don , iba kase yung dating sakin >.<"Coreen? May sakit kaba? Kahapon kapa walang ganang kumain"
Nabaling ang tingin ko kay Kuya Nath, nasa bahay pa lang kame at papasok palang, ewan koba kahapon pa ako walang gana, pero kumakain naman ako mga isang subo ganon, naninibago kayo 'no? Parang dati lang isang dosena ang kaya kong kainin pero ngayon hindi man lang ako makaubos ng isang sandwich hays, ewan ko din puro kase si Hance ang iniisip ko, dagdag mo pa yung sakit na nararamdaman ko pag nakikita ko sila nung Nathalie niya, pati nadin tong exam."O-okay lang ako Kuya"
Ngiting sabi ko sa kaniya, okay lang naman talaga ako etong puso ko lang yata ang hindi hays.Pag katapos naming kumin, sabay na kaming pumasok ni Kuya, pinilit niya nga akong ubusin yung isang sandwich kahit ayaw ko, alam kong masama katamaran at tanggihan ang grasiya, lagi ko ngang sinasabi na bawal tumanggi sa grasya pero ngayon, ewan ko wala talaga akong gana, Tahimik lang kami ni kuya habang papunta sa school, malalim din ang iniisip niya kaya hindi kona siya inistorbo, gusto ko sanang itanong kung ano bang nang yare sa kanila ni Kellight, kaso mukang malalim talaga ang iniisip niya kaya tumahimik lang ako, and besides wala din ako sa mood, binaling ko na lang ang atensyon ko sa labas at pinag masdan ang paligid, unti unti naman akong naantok agad, anong oras nadin kase nakatulog kagabi.
------
"Hey Coreen! Wake up , were here"
Dinig kong boes ni Kuya Nath at tinapik tapik pa ang pisngi ko, minulat ko naman ang mata ko at dahan dahang bumangon, ayt nakakainis naantok pa ako ei, bumaba na ako sa sasakyan ni Kuya at sinukbit ang bagpak ko na parang wala sa sarili.Daretso lang akong nag lakad ng pahikab hikab , naramdaman ko naman na nasa gilid ko si Kuya Nath, nakayuko ako habang nag lalakad, gusto kong matulog ngayon pero may test kaya hindi pwede, bakit ba kase kahit sa pag tulog pinag kakaitan ako ay hahaha drama eh 'no chos lang! Kasalanan ko naman to ei hindi ako natulog ng maaga, hays.
"Kyaaaaaaaaaaaaaa!"
Dinig kong tilian ng mga babae ng makita nila kami ni Kuya Nath na nag lalakad, parang tuod yung mga babaeng yun na fangirls ni Kuya, nag gogood morning pa sila kay Kuya, pero ang napaka gwapo kong kapatid deadma lang, daretso lang ang lakad at naka pokerface pa, sa'n kapa?Matatawa na sana ako dahil ang epic ng nang yayare dahil kahit anong gawin nilang papansin kay Kuya Nath, dinideadma lang sila, ang kaso lang ang aga aga, may mga makakating higad akong nakita, may LQ yata ang mag EX tss.
"Hance sorry na kase, gusto lang naman kitang makita kaya ako pumunta, wag kanang magalit please,"
Nakapout na sabi nung Nathalie, napairap lang ako, pabebe talaga tss, andami ding nag uusisa sa kanila, ah yeah yung mga fans nila, ed sila na!"Tss fine"
sabi ni Hance , isa pa'to pabebe den, kala mo talaga may sila eh 'no? HOY PARA LANG SABIHIN KO SA INYO AKO YUNG FIANCÈ DITO! AKO! Kung makapag landian kayo kala niyo naman kayo! Walang kayo! Gusto ko sana isigaw yun kaso baka mag muka akong tanga at kontrabida, ughhh ang bitter kona talaga nakakainis."Jealous? "
Nabaling ang atensyon ko kay Kuya Nath na naka ngisi ngayon sakin, tumawa naman ako ng peke habang nakakunot noo."Ako? Mag seselos? Seriously? Kuya kelan pa ako nag selos aber?"
Sabi ko na ikinatawa niya, hindi naman talaga kase ako nag seselos, naiinis lang ako ayun lang.