Chapter 13-Fiancè

233 27 3
                                    

[MCBB13]

KC POV

Masayang nag lalakad ako ngayon dito sa hallway ng school, and guess what? Hindi ako late ngayon! Ang saya diba? Ang aga aga kong pumasok ngayon sa sobrang saya ko, Pero hindi to dahil sa nang yari kahapon ah imbyerna nga ako kahapon, dahil diyan kay Hanceltot ewan ko kung bakit pero promise ang weird ng pakiramdam ko kahapon nung kausap ko siya sa library, pero hayaan niyo na yun ang importante Masaya ako ngayon.

good vibes lang kahit para na akong timang dito na ngiti ng ngiti habang nag lalakad hahaha hindi ko lang talaga mapigilan na ngumiti.

Nag tataka ba kayo kung bakit masaya ako ngayon? Ahm ganto kase yan ....
uuwi ulit si Daddy mamaya! Alam kong hindi big deal yon pero para sakin napaka big deal nun, minsan lang kase umuwi sa isang buwan si Daddy , kaya napaka saya ko na uuwi ulit siya mamaya at saka may sasabihin daw si Daddy na importante kaya nakakaexcite na nakaka-kaba?

"Mukang masaya ka yata amazona?"
Nagulat ako sa nag salita sa harap ko kaya tumigil muna ako sa pag lalakad, at tinignan ko siya, ay este sila pala.

"Good Morning"
Bati ko at abot langit padin ang ngiti, habang napa kunot naman ang noo nila Brixsy,Jhoney at Edwardo habang naka poker face lang si Hanceltot at Kuya Nath.

"Hoy KC nag aadik kano?"
Tanong ni Edwardo na nag tataka, sinamaan ko naman siya ng tinginAbat ginawa niya pa akong adik.

"Gaya niyo naman ako sa inyong tatlo na mukang adik"
Sabi ko at ngumisi lang sa kaniya, napa ngiwi naman silang tatlo.

"Baka naman sinapian ka ng mabuting espiritu kaya ka ngiti ng ngiti Kelrish?"
tanong naman ni Jhoney, ako naman ang napa ngiwi siraulo talaga kahit kelan, babatukan kona sana siya kaso binatukan na siya ni Brixsy.

"Mga siraulo kayo, hello kel wag mo na lang silang pansinin"
Naka ngiting sabi ni Brixsy sakin kaya ngumiti din ako sa kaniya , lagi siyang naka ngiti 'no? siguro nag rurugby talaga tong si Brixsy?

"Wew! Mga damoves mo Villamiel"
Pang tutukso ni Edwardo kay Brixsy, na ginatungan pa ni Jhoney kaya ayan nag aasaran na naman yung tatlo, nabaling naman ang tingin ko kila Kuya na kapwa nakatingin lang sakin ng seryoso kaya tinaasan ko sila ng kilay, ano bang problema ng dalawang 'to?

"Bakit ang saya mo yata Coreen?"
Kunot noong tanong ni Kuya sakin, nginitian ko naman siya.

"Kase uuwi si Daddy mamaya kaya masaya lang ako"
Masiglang sabi ko, tinignan lang ako saglit ni Kuya at saka nag iba ng tingin.

"Wag kang mag paka saya Coreen, baka mamaya mawala yang ngiti mo pag na laman mo kung bakit uuwi si Daddy"
Walang kabuhay buhay na sabi ni Kuya, napa kunot naman ang noo ko ano bang sinasabi niya? Mag sasalita sana ako kaso nag lakad na siya at nilagpasan kame.

"Anong problema non?"
Tanong ko sa sarili ko at hinarap si Hanceltot na naka poker face padin.

"Tama siya"
Napa kunot na naman ang noo ko, diko alam kung ako yung kausap niya oh ano, kase naka tingin siya sa dinaanan ni Kuya habang naka pamulsa.

Hindi ko tuloy maiwasang maalala yung kahapom sa library shemay naman >.<

"...Baka mawala yang ngiti mo pag nalaman mona"
Walang kaemosiyon emosiyong sabi niya saka ako nilagpasan din at nag lakad palayo?

Ano bang problema nila? Parang kahapon lang ngumiti pa sakin si Hanceltot tapos ngayon sinusungitan niya ako? Hays may sapak talaga ei, napa iling na lang ako habang nakatingin sa daanan.

"Oh san pupunta yung dalawa?
Tanong sakin ni Brixsy, nag kibit ba likat lang ako sa kanila.

"Binasted moba Kelrish?"
Tanong ni Jhoney, kaya napa kunot noo ako sinong binusted?

MR.COLD BAD BOY ( EDITING )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon