Chapter 44

132 7 4
                                    

[MCBB44]

KC POV

Nag lakad ako na parang walang kabuhay-buhay at nakatungo lang, hindi ko maipaliwanag yung sakit na nararamdaman ko ngayon, Bakit ngayon pa Hance? B-Bakit ngayon pa kung kelan... mahal na kita?

Nag tuloy-tuloy ako sa pag lalakad kahit hindi kona alam kung saan ba talaga ako pupunta, para akong nawalan ng lakas at tanging itong sakit lang sa puso ko ang nararamdaman ko, Parang isang bangungot na kailangan ko nang gumising para hindi na ako masaktan, para akong lutang ngayon  dahil hindi ko alam kung ano bang gagawin ko, Ang akala ko... ang akala ko parehas kame ng nararamdaman, ang akala ko mahal na din nya ako, Lalo akong napayuko ng maramdaman kong gusto na namang pumatak ng luha ko, hindi ko lang kase maintindihan, para saan pa lahat ng ginawa at sinabi nya sa'kin kung... kung hindi naman pala nya ako mahal? Gusto ko syang tanungin kung bakit? Bakit kailangan nya pang iparamdam na mahal nya din ako kung.... hindi naman pala totoo.

'Ayokong makasal sa taong..... hindi ko naman mahal'

'Ayokong makasal sa taong..... hindi ko naman mahal'

'..... hindi ko naman mahal'

'..... hindi ko naman mahal'

Napahinto ako sa pag lalakad at napahawak na naman ako sa dibdib ko, wala na akong pakialam kahit madaming nakatingin sa'kin ngayon, ang sakit sakit na kase, hindi ko alam kung kaya kopa, Ang sakit sakit lang, parang pinipiga ang puso ko, ang bigatbigat ng dibdib ko at gusto kona lang mag lumpasay dito sa sobrang sakit ng nararamdaman ko, gusto kong iiyak lahat! Gusto kong sumigaw! Gusto kong mag wala! Pero wala akong lakas, gusto kong umiyak hanggang sa mapagod ako at wala ng luhang lumabas sa mga mata ko, gustong gusto ko, pero kailangan kong patatagin ang loob ko, ayokong ipakitang mahina ako kahit sobrang sakit sakit na, naramdaman ko na naman ang sakit , walang tigil na sakit, umasa kase ako ei... ang akala ko mahal nadin nya ako dahil sa mga ginagawa, sinasabi at pinaparamdam nya sakin, Akala ko okay na ei, akala ko lang pala,
Napa pikit ako at naramdaman ko ang Walang tigil na pag tulo ng luha ko, parang paulit-ulit na pinupunit ang puso ko, Akala ko totoo na lahat... hindi pala.

Gusto kong malaman kung bakit Hance? Bakit moto ginagawa sakin?

"Kel"
Bahagya akong nagulat dahil sa boses nayun,
Hindi ako nag taas ng tingin, ramdam ko ang presensya ni Brixsy sa harap ko, Hindi ko sya kayang tignan, ayokong makita nya akong ganto. Dali-dali kong pinunasan ang mga luha ko at saka nag buntong hininga.

"Uy, B-Brixsy"
Pinilit kong ngumiti sa kaniya, tinignan nya lang ako ng seryoso at kita ko ang pag-aalala sa mata nya.

"Ayos ka lang?"
tanong nya, ngumiti ulit ako sa kanya bago mag salita.

Hindi

"Oo naman, A-Ayos lang ako"
Sabi ko , hindi naman ako makatingin ng daretso sa mga mata nya dahil nakatitig sya sa'kin ng seryoso.

"Mabuti naman ... wala kang klase?"
Seryoso pading tanong nya, napatingin ako sa paligid at wala ng mga estudyante.

"A-anong oras naba?"
Tanong ko, hindi naman nag bago ang tingin nya, seryoso padin sya at nakatitig padin sa'kin.

"20 minutes bago mag lunch"
Seryoso pading sabi nya, nagulat ako ng sabihin nya yun shete ! Hindi na ako nakapasok sa apat na subjects ko.

"A-ah... hindi ko napansin ang o-oras"
Sabi ko at tumawa ng peke pero napahinto din ako dahil seryoso padin ang mga tingin nya.

"Mahirap mag panggap Kel"
Seryosong sabi ni Brixsy, napatingin ako sa kanya at saglit na napatulala dahil sa sinabi nya, ramdam ko din na parang may kumurot sa puso ko.

MR.COLD BAD BOY ( EDITING )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon