[MCBB11]
Kc POV
Ugh late nako nakakainis, tumatakbo ako papuntang room, yare nako nito si Mrs. Kolante pa naman ang teacher namin ngayon siya yung adviser naming terror, yari na talaga!
"G-Good morning"
Sabi ko habang naka yuko dito sa pinto at hinihingal pa, tahimik lang yung mga kaklase ko pero naririnig ko yung mga bulungan nila, yeah as always."Anong Maganda sa Umaga Ms. Delos Reyes ? You're 10 minutes late .... AGAIN"
Sigaw ng Teacher ko kaya napa yuko ako lalo."Im sorry Ma'am"
Naka yukong sabi ko!"This is last Ms. Delos Reyes , pag nalate ka ulit papatawag kona ang magulang mo, Now get in"
Singhal pa niya, nakayuko akong pumasok at umupo sa upuan ko, nakita kong naka tingin sakin si Kellight at mukang nag-aalala, yeah lagi naman kasalanan ko naman kase ei lagi na lang akong late."Okay ka lang bess?"
Tanong ni Kellight, kaya ngumiti ako sa kaniya, okay lang naman talaga ako, mas mabuti ng mapagalitan kesa hindi maka pasok."Late huh"
Napalingon naman ako sa katabi ko sa kaliwa na naka ngisi sakin, napa kunot ang noo ko ng makita ko kung sino sya, teka eto yung lalaki kahapon ah? Bakit katabi ko 'to? Tinaasan ko siya ng kilay at bigla na lang siyang humalak hak? Adik yata talaga."By the way class, hindi ko pa napapakilala ang new classmate niyo, Mr. Raubin? please introduce your self"
Sabi ni Ma'am kaya napa tingin ako sa katabi kong tumayo at pumunta sa harap, wow great new classmate, new seatmate,new headache, pero Raubin? Parang narinig kona?"Hello, Im Kristoffer Raubin, but you can call me Kris if you want, Im 17 , single and ready to minggle hahaha please be nice to me "
Pag ka sabi niya non kumindat siya sakin kaya inirapan ko siya, tss nakakairita talaga, Kinilig naman yung mga kaklase kong babae, lagi naman basta may gwapo.Bumalik naman sa tabi ko yung unggoy na'yun habang naka ngisi sakin, Ano ba talagang problema ng isang 'to at trip niya ako? Hindi ko siya pinansin kahit na alam kong naka tingin siya sakin.
"Maganda ka sana kaso ang sungit mo haha"
Tawang sabi niya na ikinairap ko, hindi ko siya tinignan hinyaan ko lang siya sige kausapin mo sarili mo diyan.Nag simula ng mag discuss si Ma'am kaya doon ko na lang tinuon ang atensiyon ko kesa naman sa unggoy na nasa tabi ko.
Habang nakikinig ako kay Ma'am may napansin pa akong nakatingin sakin kaya tinignan ko din siya, naka kunot ang noo niyang naka tingin sakin at tumingin din sa katabi ko, tinaasan ko siya ng kilay pero inisnab lang naman ako, ano bang trip ng Hanceltot na'to and yeah siya yung isa pang naka tingin sakin.
"Hey?Hindi mo talaga ako papansinin"
Sabi ng unggoy na Kris na nasa tabi ko habang naka nguso, isip bata, hindi ko siya pinansin kahit na tinapunan man lang ng tingin hindi ba siya nakikinig? Nakikita ko kase siya sa gilid ng mata ko na naka titig lang sa'kin habang naka sandal yung siko niya sa lamesa at yung ulo niya sa palad niya."Grabe, Ngayon lang ako inignore ng ganito, nakakahurt kana ah"
Mapaklang sabi niya, inartehan pa ako ng siraulo ang sakit niya sa ulo alam niya bayun? Hindi ko siya pinapansin bahala kang kausapin ang sarili mo diyan.
"Isa pa talaga hahalikan kita pag hindi ka lumingon"
Banta niya kaya tinaasan ko siya ng kilay"Wag ako ang pag tripan mo unggoy"
Mataray na sabi ko, kaso ang mokong nag simangot simangutan pa, pacute pa ang pangit naman."Bakit ka lumingon? Ayaw mo talaga ng kiss ko?"
naka ngusong sabi niya, kaya inirapan ko ulit siya siraulo yata to pinapalingon ako tapos tatanungin niya kung bakit ako lumingon, saka yack sino naman ang matinong tao ang mag papahalik sa kaniya?