[MCBB45]
KC POV
Nakatulala lang ako sa bintana buong klase, hindi ko naiintindihan lahat ng tinuturo ng mga teacher namin kanina pa, para akong sabog dahil lagi akong lutang netong mga nakaraang araw, iniisip ko kase yung sinabi ni Brixs sakin.
'.... pero alam kong may dahilan siya kaya nya nagawa to sayo'Napabuntong hininga ako.
Siguro nga may dahilan ka kaya mo nagagawa sakin 'to, gusto kong tanungin kung ano 'yun pero wala akong lakas ng loob para kausapin ka, pero Sana.... sapat na yang dahilan mo para magawa mong saktan ako ng ganito.
Muli akong napabuntong hininga at saka tumingin na lang sa bintana, ilang araw na ding hindi pumapasok si Hance , Friday na ngayon at nung Tuesday kopa sya huling nakita.
Kamusta na kaya sya?
"Bess?"
Napatingin ako sa gilid ko, nakatayo na si Kellight at Kris, wala na din ang Teacher at ibang kaklase namin.
"Ayos ka lang?"
Tanong nya, napatango naman ako at saka tumayo nadin.Nag lakad kame ng walang imikan, nagiguilty ako dahil pinag-aalala ko sila, Alam na nila kung bakit ako nag kakaganito, hindi na nila ako makausap ng maayos, lagi na kase akong lutang, at wala ako sa mood mag salita, lagi na din akong nag papalipas gutom o kaya onti lang kumain, kulang ako lagi sa tulog , iyak ng iyak at hindi kona alam kung anong nangyayare sakin, Feeling ko pati mga kaibigan ko nahahawa nadin sa ka-emohan kong 'to.
"Order lang ako"
Paalam ni Kellight na tinanguan lang namin ni Kris at saka umupo.Tahimik lang kame, habang ako nakayuko at sya naman nakatitig lang sa'kin.
"KC ko"
Tawag nya kaya napataas ako ng tingin sa kaniya, ngumiti sya sakin.
"Wag mo namang pahirapan yang sarili mo"
Napayuko ulit ako at hindi sya sinagot.
"Alam ko--namin, na nasasaktan ka ngayon, pero sana naman wag mong pabayaan yang sarili mo.... nag-aalala na ako sayo ei"
Hindi ko magawang tignan man lang si Kris, alam kong naapektuhan din sila ng sobra dahil sakin."Sorry"
Mahinang sabi ko habang naka yuko, hindi ko naman narinig na nagsalita sya, naramdaman kona lang ang kamay nya sa ibabaw ng kamay ko sa lamesa."Okay lang... Wag mo na papabayaan ang sarili mo ah? Andito lang ako palagi para sayo--kame."
Ngiting sabi nya, nahawa naman ako sa ngiti nya at saka tumango-tango.
"Aish, kahit malungkot ka ang ganda ganda mo padin KC ko! Bakit ganon?"
Natatawang tanong nya, hinampas ko naman sya sa braso."Siraulo"
Nakangiting sabi ko sa kaniya, ngumiti ulit sya sakin at saka tumitig.Nakakatuwang isipin na, kahit na minsan hindi ko sila kinikibo at nag papaka-eemo lang ako, hindi padin sila umaalis sa tabi ko para pasayahin ako.
"Oh ano? Nawala lang ako saglit nag kakainlove-an na kayo d'yan"
Sabi ni Kellight at saka umupo sa tabi ko kasunod nya naman ang inorder nya, tinawanan lang sya ni Kris."Kakainin natin lahat to?"
Tanong ko, ang dami kaseng pagkain sa harap namin."Tititigan lang natin yan bess... kakaloka ka, parang dati lang mas madami pa dito ang kinakain mo tapos ngayon ... ay nako"
Natawa naman ako dahil sa tono ng pananalita ni Kellight, loka-loka talaga."Kainan naaaaaa!"
Parang batang sigaw ni Kris, natawa naman ako ng bahagya hindi padin sila nag babago... ako lang yata ang nag bago nitong mga dumaang araw.Pag katapos naming kumain sa Cafeteria ay lumakad na kame pabalik sa room pero pinauna kona sila Kellight sa room dahil dadaan pa ako sa locker ko.