[MCBB57]
KC POV
Napalingon ako sa kaniya ng bigla n'yang hawakan ang kamay ko. Naka tingin din s'ya sa'kin habang naka ngiti, inangat n'ya ang isa n'ya pang kamay at hinaplos ang aking pisngi, napa ngiti ako habang dinadama ang init ng palad nya.
Nakaupo kami sa ilalim ng puno, tahimik ang paligid at ganon din kaming dalawa, at ang pakiramdam na nandyan lang s'ya sa tabi ko ay sobrang nakaka kalma.
"Masaya akong ikaw ang minahal ko, kahit alam kong bata pa tayo."
Ngiti n'yang sabi, habang seryoso ang kaniyang mga mata na parang may pinapahiwatig na kung ano sa'kin. hindi ako sana'y na ganto s'ya kaseryoso dahil lagi s'yang nang aasar kaya hindi ko makuha ang gusto nyang sabihin o guni guni ko lang ba 'yon? Hindi ako umimik at nanatili lang na nakatingin sa kaniya.
"Coreen.. gusto kong pakasalanan ka balang araw, mamuhay kasama ka at bumuo ng pamilya kasama ka, gusto kong kasama ka sa bawat oras, minuto at sigundo ng buhay ko."
Lalo akong napangiti, napaka sarap sa pakiramdam na ako ang gusto n'yang makasama sa mga oras ng buhay n'ya. Paulit ulit n'yang hinaplos ang kaliwang pisngi ko habang naka ngiti, tinitigan kong mabuti ang muka n'ya at agad na nawala ang ngiti ko ng makita ang pag landas ng luha galing sa mata n'ya."Zander.."
Halos pabulong na agap ko, ngumiti s'ya at umiling sa'kin at mas hinigpitan ang pag hawak sa kamay ko."Mahal na mahal kita Coreen, na nasa punto na ako ng buhay ko na parang ikamamatay ko pag nawala ka.. pero kahit gaano ko kagusto na makasama ka sa hinaharap hindi natin hawak ang tadhana, hindi na'tin alam ang mangyayare sa hinaharap--"
"Ano bang sinasabi mo!?"
Gulong tanong ko at lito s'yang tinignan, ramdam ko ang pag kirot ng puso ko sa hindi malamang dahilan. ngumiti lang s'ya sa'kin at bahagyang nilapit ang muka n'ya para halikan ako sa aking noo. May kung ano sa sarili ko nakinakabahan dahil sa mga sinabi nya."Coreen, Mahal na mahal kita.. pero kung mag mamahal ka ng iba sa hinaharap, wag kang mag dalawang isip--"
"Ano bang sinasabi mo Zander?!"
Napalaks ng tanong ko, kita ko ang sakit sa mata n'ya at pag agos din ng mga luha sa mata n'ya. Ang makita s'yang lumuluha ng hindi ko alam ang dahilan ay pumipiga sa puso ko, Hindi ko s'ya naiintindihan, hindi ko alam kung bakit n'ya ba sinasabi ang lahat ng 'to! Bakit parang may pinapahiwatig s'ya sakin at ayoko sa naiisip ko kung bakit.Hinigit nya ako para mayakap,naramdaman ko na ang pag landas ng mga luha ko, nasasaktan ako dahil sa mga sinasabi nya, hindi ko maintindihan , naguguluhan ako pero may kutob ako at ayoko ng naiisip ko.
"Hanggat masaya ka, masaya na din ako."
Basag ang boses na sabi nya."Kc."
Ang seryosong boses na 'yon ang nag pabalik sa'kin sa reyalidad. Ramdam ko ang basa kong mga pisngi ng nilingon ko ang pinto kung saan naka tayo si Hance, seryoso ang mga mata n'yang daretsong naka tingin sa'kin."Kuya.. hehe aalis na din kame ni Ate Kc, pinakita ko lang--"
"Get out Monica."
Utos ni Hance sa kapatid pero nanatili ang mga mata n'ya sa'kin."Pero Kuya--"
Hindi na nya natapos ang sasabihin ng seryoso s'yang tinignan ni Hance , wala na s'yang nagawa at lumabas na nga sa kwarto si Monica, leaving me here with Hance. Ng makalabas si Monica ay bumaling ulit sakin ang mga seryoso nyang mata na agad kong iniwasan.Ilang minuto kaming tahimik at hindi gumagalaw sa aming kinakatayuan, ramdam ko ang titig n'ya sa'kin na parang tinitimbang ang reaksyon ko, habang ako'y nakatingin lang sa sahig, balanko ang isip dahil sa mga nakita ko ngayon at sa alaalang sumagi sa isipan ko,pero dahil hindi kona kaya ang katahimikang bumabalot sa'min, lakas loob akong tumingala sa kaniya. Seryoso padin ang mga mata n'yang nakatitig sa'kin na may halong pag aalala.