Chapter 8- Maids

260 29 2
                                    

[MCBB8]

Kellight POV

Papunta ako sa bahay nila KC ngayon, pero hindi para kay Nath 'no, baka kung ano pinag-iisip niyo dyan, Pinuproblema konga yon ngayon ei, Pano pag nakita ko si Nath? Anong gagawin ko? Anong sasabihin ko? Baka bigla na lang ako mahimatay, waaaahhhh nakakaloka!

Kaya ako nandito kase isasaule ko tong hiniram kong libro, Oh diba pwede naman sa monday ko na lang to ibigay pero wala akong magawa ngayon, Oh kala niyo na naman gusto kong makita si Nath kaya gusto ko agad ibigay 'to? Asus mag si tigil kayo hindi ko siya gusto makita 'no! Slight lang hehe.

Bumaba na ako ngayon sa kotse ko, nasa tapat na ako ng bahay nila KC,  ano bayan ang bilis ng kabog ng dibdib ko, Sa monday kona lang kaya 'to ibigay? Oo sa monday na lang!
Ayt nandito na ako ei, Ano ba umayos ka nga Kellight Garcia, nandito ka para isuli yang libro okay, hindi para kay Nath, Oo tama hindi para kay Nath!

"Kaya mo yan Kellight! Kaya mo 'yan, hinga ng malalim, hinga ng malalim, okay ibibigay kona to"
Sabi ko sa sarili ko saka nag lakad papalapit sa gate nila, my gosh pinag papawisan na agad ako, ano bayan.

Nasa tapat na ako ng gate nila ngayon at naka tingin lang sa doorbell.

"Pipindutin koba?"
Tanong ko sa sarili ko, Ayt ano ba naman Kellight pano mo mabibigay yan kung tatayo ka lang dito sa labas at tititigan ang doorbell diba? Ayt dahan dahan kong idinikit yung daliri ko doon sa doorbell... At pinindot yun.

*dingdong... Dingdong...*
Wala man lang lumabas na tao? Kahit maid?

"baka di nadinig?"
Sabi ko sa sarili ko at nag dorbell pa ulit.

*dingdong....dingdong....dingdong....ding--*

"wait! Ugh too noisy"
Sabi ng lalaking kakalabas lang ng bahay, at naka pantulog pa, gulo gulo ang buhok at parang kakagising lang,
Hindi ako nakapag salita at nakagalaw nung nakita ko siya.
"come in"
Tipid na sabi niya, At nag lakad na pabalik sa loob, habang ako eto nga-nga at naka tunganga padin, Si... si.... si Nath y-yun.
"hey miss... tatayo ka na lang ba diyan? I said come in"

"a-ah... o-oo"
Utal na sabi ko at nag patuloy na sa pag lalakad papasok ng bahay nila ,waaahhh mababaliw na yata ako? ang gwapo kase ni Nath kahit bagong gising, waahhhh nako nako para na akong sasabog sa kaba! anong gagawin ko?!

okay kalma lang Kellight tandaan mo nandito ka para ibalik yung libro kay KC, tama si KC ang pinunta mo dito, oo tama.

Pag pasok ko sa loob ng bahay nila tumambad sakin ang? Bakit nandito sila insan? Lahat sila mukang bagong gising lang at naka tingin sakin.... oh gosh wag nilang sabihing dito sila natulog? Eh nasan na si KC? Oh my gosh baka narape nayun!  ano ba Kellight umayos ka kahit naman mga bad boys sila  hindi naman sila ganon.

*********
Kc POV

"Coreen gumising kana"
Hiyaw ni Kuya, Habang kinakalampag ng malakas ang pinto ng kwarto ko, ugh kanina payan ah, kaninang kanina pa, kitang natutulog yung tao dito ei! Saka ang aga aga pa kaya, saka sabado naman ngayon, nakakainis naman si kuya alam naman niyang napuyat ako dahil nag tutorial pa kame kagabi ni Hanceltot ei, Oo nga pala kagabi nga nandito sila diba? kaya pala sila nandito kase may tutorial ako kay Hance sa math, english, etch. Kakabaliw ngayon pwede namang ipabukas kaso ayaw niya kaya inabot na kame ng 11:30 ng gabi, grabe talaga.

Kaya eto puyat na puyat ako , tapos si Kuya ayan kalampag ng kalampag sa pinto ko kitang natutulog pa ako estorbo! Nag talukbong lang ako ng unan sa ulo,  hinayaan ko lang siya diyan, mapapagod din yang lalaking yan, pabalik na sana ako sa pag kakatulog ng biglang sumigaw si Kuya Nath .

"KELRISH COREEN DELOS REYES , TATAYO KA DIYAN O SISIRAIN KO TONG PINTO MO PARA AKO NA GUMISING SAYO!"
Sigaw ni Kuya sa labas, kaya napa tayo agad ako sa kama ko, nakakainis naman kase ei pag siya ba natutulog iniistorbo ko siya?hindi naman ah? ang sama sama niya T-T

MR.COLD BAD BOY ( EDITING )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon