[MCBB14]
Brixs POV
Nasa BBRoom kame ngayon at kinakausap tong si Hance.
"Hance pano na kayo kung may fiancè kana?"
Alalang tanong ko sa kaniyam"Oo nga Hance, alam niya naba 'to?"
Tanong pa ni Edward kay Hance na tahimik lang naka upo sa harap namin, habang naka sandal naman sa pader sa gilid namin si Nath na kanina padin seryoso, takte ayoko talaga pag ganto kame."Wala na kame"
Walang kabuhay buhay na sagot ni Hance at sumandal na lang sa sofa, nag ka tinginan naman kaming tatlo nila Jhon dahil sa sinabi niya."Seryoso kaba diyan broh?"
Hindi makapaniwalang tanong ni Jhon, takte kahit ako hindi makapaniwala panong wala na sila?"Panong wala na kayo? Parang kelan lang kayo pa?"
Tanong kopa sa kaniya, sumandal lang siya lalo sa sofa at pumikit."She's just a part of my past"
Nakapikit na sabi niya, napakuyom naman ako ng kamao sa sinabi niya nagiging selfish na naman tong lalaking to takte."Nasisiraan kana ba Hance? Hindi mona ba siya mahal?"
Tanong pa ni Jhon, napaayos naman ng upo si Hance at tumitig lang sa lamesa sa harap niya."I have a fiancè now, so i dont need her anymore"
Walang kabuhay buhay padin na sabi niya habang nakatingin lang sa lamesa"Takte Hance, sinong niloko mo? Halos magpaka matay kana para lang iligtas siya tapos sasabihin mo hindi mona siya kailangan? Tangna sinong niloko mo"
Singhal na sabi ni Edward na ikinagulat ko, eto na naman kame putek."Hance! Mag kakaibigan tayo dito hindi mo kailangan kimkimin lahat ng problema mo"
Giit pa ni Jhon, napatingin naman saming tatlo si Hance na naka poker face padin, yeah as always."Just... just don't mind me"
Mahinang sabi niya pero sapat lang para marinig namin, tatayo na sana ako para batukan si Hance dahil sa mga kabaliwang pinag gagawa niya kaso."Petengene naman Nath ano bang ginagawa mo!"
Bulaslas ko at agad na pumagit na kila Nath at Hance, bigla na lang kaseng sinapak ni Nath si Hance kaya napa tayo kameng tatlo at lumapit sa kanila."Clayd kaibigan mo kame pero hindi mo masabi yang problema mo? Para saan pa at naging kaibigan mo kame ha? Tangna nagiging selfish ka nanamang gago ka"
Galit na sigaw ni Nath kay Hance na ngayon hindi makatingin samin, at dumudugo ang gilid ng labi inaawat ko naman si Nath baka kase suntukin nanaman neto si Hance galit pa naman to ngayon."Clayd umayos ka kaibigan mo kame kaya kung ano manyang problema mo problema din namin, kapatid mona kame Clayd kaya umayos ka wag kang mag paka bakla"
Sigaw pa ni nath kay Hance alam namin galit na siya, pag tinawag ka kase ni Nath sa pangalawang pangalan o apilyido mo aba kabahan kana, pero hindi naman kakabahan si Hance dahil alam niyang nag-aalala lang si Nath sa kaniya."Ayoko Lang na pati ako intindihin niyo pa"
Nakayukong sabi niya, takte ang drama na namin alam ba nila yun?"Pero Hance mag kakapatid na tayo dito kung ano man ang problema mo problema na din namin"
Saad ni Jhon kaya binatukan siya ni Edward."Gago! Inulit mo lang yung sinabi ni Nath wala kang originals"
Giit naman ni Edward na ikina ngiti ko , wala talagang kwenta tong dalawang to."Ikaw naman bobo, originality yun hindi originals, ano ka nasa The Originals?"
Singhal naman ni Jhon kay Edward kaya napa iling naman ako, hay sawaks gumaan na ang atmosphere.Lumapit naman ako sa dalawa saka sila binatukan dalawa.
"Mga siraulo kayo"
Sabi ko habang naka ngiti napa kamot ulo na lang sila habang naka ngiti .