[MCBB22]
KC POV
Hindi! Hindi maari 'to, bakit siya pa sa lahat ng tao? Kinakainisan ko siya sa lahat kaya napaka imposible talaga, wala ni isang katangian niya ang gusto ko kaya pano? Pano nang yare ang bagay nato? Hindi! Hindi talaga pwede!
"Arggggg Hindi pwede!"
"Ah?... o-okay hindi mo naman kailangang sigawan ako"
Nakangiwing sabi ni Kellight, kaya napatingin ako sa kaniya, Ha? Kasama ko pala si Kellight? Bakit hindi ko alam, teka saan kame pupunta?"Ah, sorry kong nasigawan kita"
Sabi ko at saka yumuko sa kaniya, binigyan niya lang ako ng ano-bang-problema-mo? Look."Okay lang bess hehe.... alam ko namang busy kadin, kaya hindi mo ako masamahan"
Sabi niya at saka niya ako nginitian, napakunot naman ang noo ko sa sinabi nya."Samahan? Saan? Pwede naman kitang samahan hindi ako busy, saka saan ba tayo pupunta?"
Nag tataka kong tanong sa kaniya, huminto naman siya sa pag lalakad at humarap saakin na naka kunot ang noo."Okay ka lang ba?"
"Oo naman, bakit?"
Nag tatakhang tanong ko sa kaniya, muka ba akong hindi okay? ah yeah right hindi naman talaga ako okay, internally."Hoy KC! Alam mo kanina pa kita nahahalata ei"
Sabi niya at saka tinignan ako mula ulo hanggang paa, problema niya? siya yata ang may problema ei?
" kanina kapa lutang alam mo ba 'yun?"
Nag taka naman ako, lutang ba ako? Parang hindi naman.
"kanina pa kita kinukulit na samahan mo ako mamili ng regalo para kay Nath tapos, bigla ka na lang sumigaw ng hindi pwede, tapos sasabihin mo, saan mo ako sasamahan at pwede ka? At eto pa kanina pa tayo nag lalakad tapos tatanungin mo ako kung saan tayo pupunta? eh ikaw nga tong nag pasama na lang saakin tapos ako yung tatanungin mo? Seryoso anong nang yayare sayo?"Natahimik naman ako dahil sa sinabi ni Kellight, hindi ko siya sinagot, siguro nga lutang na ako, panong hindi lulutang ang isip ko kung laging si Hance ang iniisip ko diba? Alam niyo yung feeling na, kahit ikaw naguguluhan nadin sa sarili mo? Yung parang mababaliw kana kakaisip sa isang tao? goshh hindi kona talaga maintindihan ang sarili ko.
Nanatili lang akong tahimik, habang si Kellight nakatingin lang sa akin na parang inuubserbahan niya ako, ngumiti naman ako ng pilit sa kaniya, nginitian niya din ako at saka kinuha ng kamay ko.
"Kung ano mang yang problema mo at ayaw mong sabihin sakin, alam kong malalagpasan mo din yan, pero sa ngayon ... Tara kain na lang tayo"
Ngiting sabi niya saka ako hinila pa puntang cafeteria, napangiti naman ako, bakit ba ang bait bait ng babaeng 'to? Hindi talaga ako tututol kapag siya ang naka tuluyan ni Kuya Nath.Dumaretso agad kame sa cafeteria para bumili ng makakain, hays siguro nga pag kain lang ang katapat ng mga problema ko ngayon, at ang gusto ko pa dito, libre ni Kellight ang pag kain! At saka namiss ko ng kumain ng kumain.
"Ang dami ng pagkain"
Masayang sabi ko, ang dami niyang binili na pag kain para saamin as in ang dami talaga *0*
nakakatuwa naman si Kellight, kelangan pang mag ka problema ako bago niya ako ilibre ng madaming pagkain hahaha."Kainan na!"
Masaya ding sabi niya, at saka kinuha yung footlong at sinimulan ng kumain, napangiti naman ako ng malaki at agad kinuha ang isang ice cream na nakalagay sa isang maliit na garapon."Ang sarap"
Sabi ko habang nilalantakan padin yung ice cream, ang sarap, pag katapos kong kumain ng ice cream kinuha ko naman yung isang box ng pizza.Nag patuloy lang kame sa pag LAMON ni Kellight hahaha,para kaming nag kakarerahan kumain dito hahaha para kaming patay gutom pero wala kameng pake kung madami na ang naka tingin saamin, minsan lang manlibre tong babaeng 'to kaya sasagadin konahahaha ako na yata ang pinaka madaming nakain saamin ni Kellight, yung footlong palang kase nakakain niya saka yung 2 burger , habang ako hehe hulaan niyo? Chos, yung isang box lang ng pizza, ice cream, 2 burger, 2 fries saka isang footlong pa lang ang nakain ko ! Grabe ang SARAP!