[MCBB32]
KC POV
"Hoy kayong dalawa ano bang nang yayare sainyo?"
Tanong ni Kris, kanina pa yan daldal ng daldal ang sakit na nga sa tenga ng lalaking yan.
"Hindi niyo talaga ako papansinin? Sayang naman ang kagwapuhan ko"
Naka pout na sabi niya, sinamaan ko naman siya ng tingin, habang si Kellight naka tulala lang at mukang umiyak siya kagabi, ano kayang nang yare? hindi na ako nakapag paalam sa kaniya kagabe kaya hindi ko alam ang nang yare sa kaniya, muka siyang broken hearted, habang ako naman? Hindi ko alam wala ako sa sarili ngayon."KC ko? Okay ka lang?"
Napabalik naman ako sa reyalidad ng hawakan ni Kris ang mag kabilang pisngi ko, naka tulala na pala ako hays, binaling ko na lang ang atensyon ko sa pag kain ko at pinag laruan yun, alam kong masamang pinag hihintay ang grasya pero sorry lord wala po talaga akong gana, nasa cafeteria pala kame ngayon at Nag lulunch."Hays, Mababaliw na yata ako, bakit ba parang namatayan kayong dalawa ha? Ugh sumasakit ang ulo ko sa inyo"
iritang sabi niya habang hinihilot ang sintido niya, bakit ba dada siya ng dada? Alam naman niyang wala kame sa mood -____-Maya maya tumahimik nadin si Kris, buti naman, kaso parang pikon yata, padabog kase siyang kumain tapos naka nguso pa, tss isip bata talaga tong walang hiya nato -___- may kasalanan pa kaya siya sakin kala niya nakalimutan kona? tss dahil sa kaniya hinalikan ako nung walangjo na multong tao nayun, uggh naalala ko na naman siya nakakabwisit!
"Kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa"
Biglang umingay ang paligid, kaya napa takip ako ng tenga, aishh bakit ba sila tumitili?"Oh my gosh~"
"Nandito sila kyaaaaaa"
"Diba wala na daw sila ni prince Hance?"
"Oh my dito ba sila mag lulunch?"Andaming bulungan sa paligid nakakairita ang sakit nila sa tenga, cafeteria kaya to hindi MOA Arena para mag titili sila ng ganyan, muka bang may concert dito? Tss umaandar na naman ang kasungitan ko.
"Hello ladies and gentelmen"
Dinig kong sigaw ni Jhoney, napatingin naman ako sa kanila, oh great -___- nandito sila, nabaling ang tingin ko kay Hance na naka tingin pala saakin, napaiwas agad ako ng tingin ng makita ko kung sino ang kasama niya, yung Nathalie lang naman niya, pano yan naka pasok dito sa school?Nag si upuan naman silang lahat, bakit dito sila umupo? Andami daming bakanteng upuan dyan, bale ganto ang arrangement namin ngayon.
Jhoney-Kuya Nath-Hanceltot-Nathalie
( Lamesa )
Edwardo-Brixsy-Kris-Ako-KellightNasa long table kase kame naka upo dito sa pinaka gilid.
"Teka sino naman 'to?"
Tanong ni Edwardo at tinuro si Kris, kaya napatingin ako sa kanila, oo nga pala ngayon lang namin makakasabay si Kris sa lunch ng kasama sila."Kaibigan namin"
"Manliligaw ako ni KC ko"
Sabay kaming nag salita ni Kris kaya nabaling ang atensyon ko sa kaniya at pinandilatan ko siya ng mata dahil sa sinabi niya, what the? Ano bang sinasabi niya? Naka kunot noo naman nilang naka tingin saamin na mag katabi ngayon.
"Manliligaw?"
Tanong ni Jhoney, napa pikit naman ako ng mariin, talaga naman tong unggoy na'to pinapahamak pa ako."wag niyo na lang siyang pansinin"
Sabi ko sabay tingin ng masama kay Kris, nag kibit balikat naman siya kaya tinarayan ko siya nakakainis, napatingin naman ako sa gawi nila Hance, ang sama ng tingin niya samin ni Kris lalo na kay Kris, at kung nakakamatay lang ang tingin patay na'to kanina pa dahil sa tingin ni Hance, habang si Nathalie naka lingkis lang namn sa braso niya tss.