Chapter 41- Nakaraan

131 4 19
                                    

[MCBB41]

Hance  POV

2years ago<<<<<<<<

Unang linggo na nang bakasyon at nag papakasaya na ang iba at nag papahinga pero para sa'akin, Sa'amin. Simula na naman nang buwis buhay na laro para sa groupo namin.

Nakaupo ako sa labas nang kuta namin, Habang nakatingin sa isang babae'ng parang tanga na kinakausap ang mga bulaklak, sa hindi kalayuan, Mukang napapraning na yata ang babae'ng to.

"Ang gaganda niyo talaga, Sana bulaklak na lang din ako katulad niyo, para hindi na ako nabubuhay sa magulong mundo ng mga tao"
Pag kausap niya sa mga bulaklak, Napakunot naman ako ng noo, nahihibang nayata ang babae'ng to.

Patuloy ko lang siyang pinag masdan, Araw-araw ko naman tong ginagawa, hindi naman sa gusto ko siya o ano man, nakakatuwa lang siyang tignan pag ganyan, she looks so stupid.

Siya ang leader ng groupo namin, bipolar siya para sa'akin at takas mental, Napaka bait niya kase sa ibang tao, pero pag dating sa'amin napaka seryoso niya, Hindi naman palagi pero madalas ganon siya, Hindi pa kame nag kakausap nang seryosohan o nag biruan man lang At hindi ko naman gustong kausapin siya.

Isa kaming groupo na hindi ko alam ang layunin, hindi ko nga alam kung bakit ba ako sumali sa groupong to, Basta ang alam ko madaming kaaway ang groupo namin, Binubuo kame ng pitong myembro, anim na lalaki at isang babae na parang lalaki nadin tss. Hindi naman kame yung groupo na puro away lang ang gusto, Kami yung groupo na kumakalaban sa mga masasamang groupo ,na ineempluwensyahan ang ibang kabataan na  mag benta ng pinag babawal na gamot o ano pang masamang gawain, Bakit namin to ginagawa? Kase misyon namin to galing sa boss.

"Coreen lutang! Hahaha hindi ka kakausapin nang mga bulaklak na'yan, Para kang tanga"
Nabaling sa lalaking dumating  ang tingin ko,
Lumapit siya kay KC, Mag aaway na naman to pustahan.

"Ano bang pake mo Zanyabang!"
Inis na sabi ni KC at saka nag crossArms, 'Eto na naman ang away nang mga isip bata tss.

"Para ka kaseng tanga dyan hahahaha"
Pang aasar ni Zander kay KC, tinaasan naman siya nang kilay ni KC at saka sinamaan ng tingin, Nakita ko ang pasimpleng pag ngiti ni Zander, natawa naman ako, Ayaw pa kaseng umamin nang ugok na'to, pano siya magugustuhan ni KC nyan tss.

"Mukang may lovetriangle na nagaganap ah"
Nabaling ang atensyon ko kay Dave na biglang umupo sa tabi ko At saka ako inakbayan habang may ngisi sa labi, Tss eto na naman siya.
"Gusto mo din siya?"
Napakunot naman ang noo ko dahil sa tinanong niya.

"tss. Asa"
Nadinig kong napatawa sa gilid ko si Dave,
Lakas talaga mang trip nang mag kapatid na'to, sarap ihagis sa Edsa.

"Biro lang naman Ice. Hahahaha"
Tawa niya kaya napairap na lang ako, hindi talaga matinong kausap to.

Lumipas ang mga araw at wala padin namang nag bago, wala pang utos galing sa boss, pero madaming mga groupo ang gusto kaming tapusin, dahil nga sa madami kameng pinapakealaman na dapat naman na pakealaman na nang yayare sa ibang mga groupo, Sumusunod lang din naman kame sa boss, At si Zander patuloy padin naman na inaasar si KC, hindi yata buo ang araw ng ugok na'yon pag hindi niya naaasar si KC.

"Ice!"
Napahinto ako sa pag lalakad at napalingon sa tumawag sa'kin.
"Uy, Ang bilis mo mag lakad"
Hinihingal na sabi ni Zander sa'kin. Napa kunot noo naman ako sa kaniya.

"Bakit mo ba ako hinabol?"
Tanong ko, inayos niya muna ang pag hinga niya at saka tumayo ng daretso, Ngumiti siya sa'kin at hindi ko gusto ang ngiti niya.

MR.COLD BAD BOY ( EDITING )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon