[MCBB3]
Tambak ako ng mga assignment at project. Isang buwan pa lang ng school year ngayon pero grabe na yung mga assignment, project at roleplays na binibigay, isang buwan na lang daw kase periodical na hays ang bilis ng panahon.
Ilang weeks na rin ang naka lipas simula nung makilala ko yung tatlong ugok na mga kaibigan ni Kuya. Pero hindi na ulit nag kasalubong ang mga landas namin simula non."Ayt nakakainis pano ba kase i-solve tong sa Stat. na'to? bakit ba kase ako natulog nung tinuturo to e', kainis." Sabi ko habang pinupukpok yung note book ko sa ulo ko.
Naka tulog ako sa time ng stat. Namin at ngayon pinabaunan ako ng assignment. tae!
Tinignan ko ulit ang notebook ko, pinilit ko talagang alamin kung pano ba'to i-solve, ayt nako naman bakit walang alam 'tong utak ko.
"Hays, anong gagawin ko?" Napasandal na lang ako sa puno sa likod ko at pumikit.
Nasa garden ako ngayon at hindi ako makapasok sa subject kong 'yun hanggat hindi ko nasasagutan lahat 'to. Natulugan ko kase siya nakaraan, kaya eto binigyan ako ng napaka daming assignment. hindi ko naman alam kung paano isolve! Huhu Lord help me,
Mag padala ka naman po ng super hero, kahit sino po. Basta yung may alam sa math! kahit si superman na lang Lord. Matalino naman yun ei baka kaya niya 'tong sagutan, Oh kaya naman si captain---Napatigil naman ako sa sinasabi ko sa isip ko ng may tumalon sa gilid ko kaya napa dilat agad ako.
"Ay kabuting kamote! Hoy ano ba?" Sigaw ko sa lalaking tumalon sa gilid ko?
Teka siya ba yung tumalon? Wag mong sabihing galing siya sa taas ng puno? May lahing unggoy yata? Napatingin ako sa muka nya at napa atras ako ng makilala ko kung sino s'ya. S'ya na naman pala! yung lalaking multo na kaklase ko na naman! Ayt sabi ko super hero Lord hindi po multo !
Umupo siya sa tabi ko ng hindi manlang ako tinitignan. kinuha n'ya bigla sa kamay ko ang notebook at ballpen ko.
Anong trip ng multong 'to?
Nag sulat siya nang kung ano doon! Teka nga bakit ba siya nandito? Ang alam ko ako lang tao dito kanina, Saka ano naman kaya yang ginagawa niya sa notebook ko? Ang lakas din ng tama neto ei. baka drug adict to? oh kaya kasama sa dugo-dugo gang ? oh baka naman rugbyboy talaga to nako! Baka mahawa ako dito! Oh 'di kaya may sira na ulo niya? O---
Napatigil naman ako ng bigla siyang tumingin sakin kaya nagulat ako, Walang ka emosyon emosyon ang mga mata nya. nagitla ako ng bigla nyang binigay sakin yung notebook ko.
"Done" Sabi niya bago tumayo at sinuot yung headset niya saka s'ya nag lakad palayo.
"Anong done done?" Tanong ko habang naka tingin sa likod n'ya.
Binalik ko naman ang tingin ko sa notebook ko at tinignan kung anong sinulatan niya?
Teka ano 'to?0______0?
May sagot na lahat ng assignment Ko? Ha? Panong---Napatingin ulit ako doon sa lalaking multo na'yon, pero wala na s'ya! Napa balik ang tingin ko sa notebook ko, lahat talaga may sagot. Ano namang pumasok sa utak n'ya at tinulungan n'ya ako? At tama ba 'tong mga sagot na'to? Baka pinag titripan n'ya lang ako ah!
Pero dapat ba akong mag kasalamat sa kan'ya? Sinagutan n'ya 'tong assignments ko at kung mga tama 'tong sinagot n'ya makakapasok na ako sa stat ko, kung tama nga 'tong mg sinagot n'ya dapat nga akong mag pasalamat sa kan'ya. Pero panong nasagutan niya yun lahat ng ganon ganon lang? Weird.
************
-lunch break-Nag lalakad ako sa hallway papuntang cafeteria, Madaming students akong kasabayan dito, syempre anong gusto niyo ako lang? Labasan na kaya, saka lunch break kaya ganon talaga.