Chapter 53- Ano ba tayo? (Nath & Kellight)

80 10 2
                                    

[MCBB53]

Kellight POV

"Hahaha selos ka agad bro ? Alam mo naman na ikaw lang ang mahal ko"
Pang aasar ni Brixs kay Hance. Nag tawanan naman kame.  ng hindi sadyang napatingin ako sa entrance ng canteen.

Andami ding napatingin na estudyante sa dalawang taong kakapasok lang sa canteen.

Dahan-dahang nawala ang ngiti sa mga labi ko , dinig ko padin ang asaran nila pero nakatutok na ang atensyon ko  kung sino ang dalawang taong kakapasok lang ngayon sa cafeteria.

Parang nawala lahat ng saya ko ng makita ko si Nath kasama ang isang babae papasok sa loob ng cafeteria. Nakangiti silang dalawang nag uusap habang mag kahawak kamay na nag lalakad.

Biglang bumigat ang pakiramdam ko, ng makilala ko kung sino ang kasama nya.

Ally

Ang first love ni Nath, ang nag iisang babaeng nag patino at minahal ni Nath, ang nag iisang babaeng ginusto kong maging ako, ang nag iisang babaeng kahit kelan hindi ko mapapantayan lalo na sa puso nya.

Napatitig ako sa kanilang dalawa.

Yung mga ngiti nya ngayon, katulad ng ngiti nya noong sila pa, yung mga ngiti nya na makikita mo talagang masaya sya, yung mga ngiting ngayon ko na lang ulit nakita sa kaniya.

Naramdaman ko ang pag patak ng luha ko kasabay ng pag kirot ng puso ko, napaiwas ako ng tingin at napayuko ako, ramdam ko ang pagka pipi ng plastic bottle na hawak ko.

Ang akala ko, nabago ko na ang tibok ng puso nya.

Ang akala ko, ako na yung pumalit sa pwesto nya.

Ang akala ko, may nararamdaman na sya sakin simula ng i-date nya ako.

Napangiti ako ng mapakla habang nakayuko.

Ano bang iniisip ko? Na kaya kong palitan si Ally sa puso nya? Dinate nya lang naman ako dahil naaawa sya sakin at hindi dahil gusto nya ako, bakit ba ang tanga mo Kellight! Ang tanga tanga mo!

Ramdam ko ang sunod sunod na pag patak ng luha ko, sobrang sakit! Ang sakit sakit!

"Are you okay Kellight?"
Dinig kong tanong ni Brixs sakin pero hindi ko man lang magawang sumagot.

Ramdam ko din ang pag dating nila Nath.

Parang unti-unti akong dinudurog, ni hindi ko maangat ang ulo ko para tignan ulit sila.

Bakit Nath? Bakit Sinasaktan mo na naman ako.

"Hindi ba kayo masayang makita ako?"
Dinig kong tanong ng isang boses, saglit na natahimik sila.

"Ally"
Boses naman ni Hance.

"Masaya akong makita kayo ulit"
Dinig ko pang sabi ni Ally.

"Bakit hindi ka nag sabing babalik ka?"
Dinig kong tanong ni Jhon habang ako nanatiling naka yuko.

"Gusto ko lang na surpresahin kayo"
Sagot naman nya.
"KC? Ang ganda ganda mo padin"
Dinig kong sabi pa nya pero hindi ko man lang narinig na sumagot si bess. Alam kong nag aalala sya sakin.

"Ang awkward"
Dinig ko pang bulong ni Edward kay Jhon.

"Sobra"
Bulong naman pabalik ni Jhon. Huminga ako ng malalim at pinakalma saglit ang sarili ko.

"M-May... may gagawin pa pala a-ako"
Sabi ko at saka nakayuko pading tumayo sa upuan ko,hindi kona hinintay na mag salita sila, umalis na agad ako habang patuloy padin ang pag pahid ko sa mga luha ko.

MR.COLD BAD BOY ( EDITING )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon