Chapter 26- Jelous

217 25 3
                                    

[MCBB26]

KC POV

"KC gumising ka , hindi yun totoo , tama hindi yun totoo! Gising gising"
Sinampal sampal kopa ang sarili ko, pero bakit? Bakit hindi ako magising.
"Wahhhhhh, hindi kase panaginip yun KC, totoo yun! T-T, wala na, wala na talaga"
Pag mamaktol ko, wala na ang first kiss ko huhuhu T-T, at si Hance ang nag nakaw non kahapon.  nakakainis!

"Anong nang yayare kay KC ko?"
Dinig kong tanong ni Kris kay Kellight.

"Ewan kodin, baka nasapian"
Napatingin naman ako kila Kellight, na kung mag chismisan parang wala ako dito.

"Naririnig ko kayo"
Sabi ko saka seryoso silang tinignan, pag nag patuloy patong kabaliwan ko tingin ko matutuluyan na ako, sino ba naman ang matinong tao ang hindi mababaliw kung kinuha ng first crush/fiancè/tutor niya ang first kiss niya aber? Nakakaloka talaga diba?

"Ano ba kaseng problema KC ko?"
Tanong ni Kris at hinawakan pa ang kamay ko na nakapatong sa mesa, hinayaan ko lang yun dahil hindi naman big deal saka wala namang magagalit, ng laki naman ang mata ni Kellight dahil hindi man lang ako umangal ng hawakan ni Kris ang kamay ko, wala naman kaseng masama diba? Kaibigan naman ang turing ko kay Kris.

"Oo nga bess ano bang problema mo? Tungkol padin ba kay ano?"
Tanong ni Kellight, tumango naman ako , si Kris naman nag tataka kung anong pinag uusapan namin.
"Tungkol padin ba sa feelings mo?"
Tanong uli na Kellight.

"Hindi, hindi nayun ang pinuproblema ko, mas nakakaloka pa kesa don"
Sabi ko nalang habang nakahawak sa ulo ko.

Hindi ko man lang na imagine ang first kiss ko, kala ko pag nag ka boyfriend ako, saka ako mag kakafirst kiss pero ano? Nakuha na ang first kiss ko pero wala padin akong boyfriend at take note fiancè ko pa ang kumuha non, pero ang hindi ko lang alam bakit niya ako hinalikan? I mean para saan? At bakit niya naman ako hahalikan kung hindi niya ako gusto?... o baka naman.... hindi , hindi imposible ang iniisip ko napaka assumera ko naman kung iisipin kona gusto niya talaga ako, kung gusto niya talaga ako dapat sasabihin niya, dapat ipaparamdam niya hindi yung hahalikan niya na lang ako diba? Kaya imposible talaga na may gusto siya saakin baka naman pinag lalaruan niya lang ako? Baka alam na niyang gusto ko siya? Kaya pinapafall niya ako para masaktan ako? Aisshhh ano ba naman KC , hindi naman ganon si Hance kahit napaka bato non hindi naman siguro siya yung taong pag lalaruan ka para lang saktan ka , tama tama, alam kong mabait si Hanceltot pero ang malaking BAKIT lang saakin ay kung Bakit niya ako hinalikan kahapon?

Naguguluhan na talaga ako sa nga nang yayare, at tungkol nga pala doon sa pag dudukot saakin nung mga lalaking yun? Paano nila nakilala sila Kuya Nath? At pati na ako? Baka naman isa yung mga yun sa mga kaaway nila Kuya? Pero bakit naman pati ako nadamay? Wala naman akong ginagawa sa kanila, Saka bakit grabi naman yung mga yun, kung kaaway nga nila sila Kuya bakit kailangan pang ipangpain nila ako para lang pumunta sila Kuya? Ang gulo lang kase pwede naman nilang yayain na lang nila si Kuya ng sapakan, pero mas mukang rayot ang nang yare nakaraang gabi kesa simpleng labanan lang, at ang pinag tataka kopa ng tawagin nung manyak na unggoy si Hanceltot na Ice? The legend badboy daw? Eh? May legend ba na badboy? Aishhhh lalo lang akong naguguluhan andaming tanong sa utak ko na hindi ko masagot ng matino nakakaloka talaga,madaming pumapasok sa isip ko na kung ano ano na hindi ko naman alam ang sagot, mas gusto ko pa yatang mag-aral ng mag-aral ng english kesa mag isip ng mga sagot sa mga tanong sa utak ko.

Sa buong klase namin wala akong naintindihan o natutunan man lang sa lahat ng mga subject namin, at eto pa ang matindi lahat ng quiz ang baba ko 1-20 , 9 lang ako ayun na ang pinaka mataas na nakuha ko at ang pinaka mababa ay 0 grabe pati pag aaral ko naaapektuhan na sa kabaliwan ko, alam nyo yung feeling na parang lumulutang lang yung isip mo at hindi mo maintindihan ang paligid mo? Ganon ang nararamdaman ko ngayon at lokang loka na ako, nag tataka na nga din sila Kellight at Kris dahil napaka lutang ko daw ngayong araw, gusto ko sa nang sabihin ang mga pinuproblema ko kaso ayoko namang dumagdag pa ako sa alalahanin niya, alam niyo kase parang may problema din si bess ei, nabawasan na ang pagiging madaldal at masayahin niya, minsan din tulala siya, siguro may nang yaring hindi maganda, ayoko naman na kausapin siya tungkol sa problema niya dahil baka ayaw niya ding pag usapan namin yun, kaya hinahayaan ko na lang.

MR.COLD BAD BOY ( EDITING )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon