Chapter 47- Trapped

113 6 1
                                    

[MCBB47]

KC POV

"Ganon kita ka mahal KC.... Sana alam mo"
Hindi ko magawang mag salita man lang, lalo akong naiiyak dahil sa mga luha at salita nyang tumatagos sa puso ko, Parang nawala na ang tama ng alak sakin dahil sa mga salita niya.

Ang tanga tanga ko para hindi maramdaman na nasasaktan ka din Hance.

Sa bawat salitang binibitawan nya,  Sa bawat patak ng luha na tumutulo mula sa mga mata nya parang unti-unting dinudurog ang puso ko, naguguilty ako dahil don.  ng dahil sakin nasasaktan sya ng ganito, ng dahil sakin kailangan nyang mahirapan ng ganito.

Parang Ibang Hance ang kaharap ko ngayon, madaming emosyon ang mababasa mo sa mata niya ngayon, ibang-iba sa dating Hance na hindi man lang nag papakita ng kahit anong emosyon, Ngayon kitang kita ko ang Hirap at sakit sa mga mata niya, kahit hindi siya mag salita, mararamaman mo ang lungkot, at sakit dahil ang mata niya na mismo ang nag sasabi nito at ang mga luhang pumapatak sa mga mata niya.

Parang dinudurog lalo ang puso ko at pakiramdam ko kasalanan ko ang lahat, gusto ko siyang lapitan at yakapin ng mahigpit pero hindi ko man lang magawa kahit ibuka ang bibig ko.

Pero .... naguguluhan padin ako sa mga sinabi niya, mahal niya ako kaya niya to ginagawa? kung mahal nya ako? Bakit kailangan pang masaktan kami ng ganito? Para saan lahat ng ginagawa nyang to? Hindi ko alam kung ano bang ibig sabihin nya ... ginagawa niya to para sa kaligtasan ko? Para maging ayos ako? Hindi ko maintindihan.

Saglit na katahimikan ang bumalot saming dalawa na ang tanging maririning mo lang ay ang tugtog na nang gagaling sa loob ng bar at  pag daan ng mga sasakyan.

Gusto kong mag salita at itanong lahat, gusto kong malinawan, gusto kong alamin ang buong dahilan, Gustong gusto ko pero.... hindi ko man lang maibuka ang bibig ko.

"H-Hello? "
Biglang sabi ni Hance habang nakatapat ang cellphone niya sa tenga at bahagyang naka tagilid sa'kin.
".. Oo.... sunduin mo na lang siya dito... may lakad pa ako... nandito kame sa bar malapit sa school... Oo... sige... okay"

Nakatingin lang ako kay Hance habang may kausap siya sa cellphone , si Kuya kaya ang kausap nya?

Dahan-dahan kong pinunasan ang mga luha ko ng bigla na lang nyang nilahad ang kamay nyang may hawak na panyo, tinitigan ko yun bago ako tumingin sa kaniya .

"Kunin mo"
Tipid na sabi nya, kaya dahan-dahan ko yung kinuha.
"Papunta na sila dito"
Sabi niya at saka ako tinalikuran, kaya bigla akong nataranta. Iiwan niya naba ako dito?

"T-Teka!"
Pigil ko sa kaniya, huminto naman siya pero hindi siya lumingon.
"A-Alis kana?"
Lakas loob na tanong ko sa kaniya, pag katapos ng lahat ng sinabi niya aalis na lang siya bigla? hindi niya ako sinagot at saka humakbang ulit.

"Hintayin mo na lang sila"
Sabi niya lang at saka nag patuloy sa pag lalakad, habang ako... 'eto, naka tingin na naman sa pag layo niya sakin, parang tulad lang din ng dati.

Ilang minuto lang din akong nag hintay kila Kuya at nanatiling nakatingin sa panyong hawak ko, bago sila dumating na apat. Mukang kanina pa nila ako hinahanap.

"Kel"
Nagulat ako ng bigla  akong yakapin ni Brixsy, pero pakiramdam ko may naka tingin saamin ngayon.
"Mabuti at ligtas ka"
Sabi niya pa na nginitian ko lang ng bahagya.

"Ano bang ginagawa mo dito amazona?"
Tanong naman ni Jhoney habang nakatingin sa bar sa likod ko.

"Oo nga KC "
sabat naman ni Edwardo at saka ako inamoy amoy kaya napa atras ako.
"Amoy alak ka"
Napa iwas ako ng tingin dahil doon, pakshete yari ako kay Kuya.

MR.COLD BAD BOY ( EDITING )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon