Chapter 0ne

105 2 0
                                    

"King and Queen Subdivision"

Basa ko sa marble na pader na nakaengrave pa sa kulay ginto. Makikita ito sa labas ng malaking gate papasok sa subdivision. Napataas ang kaliwang kilay ko matapos basahin yun at napailing bahagya.

"Isa pang abnoy... sino namang taong magpapangalan ng ganito sa isang subdivision? Exclusive for elites pa! Ang aabno talaga ng mga tao dito sa Maynila! Pshh!! Uso ba toh?" nakangiwing sabi ko pa sa sarili ko.

"Ah Ma'am?"

"Oh?" walang ganang sagot ko sa security guard na nagbabantay dun nung tawagin niya ako.

Nakita ko pang mga limang guards ang nagbabantay dun sa parang bahay-bahayan nila.

"Eh.. ano pong maipaglilingkod namin sa inyo?" sabi nito.

"Hanep ah." bulong ko pa. "Nais ko sanang humingi ng paumanhin dahil sa abalang aking ginawa.. pasensya na..." sakay ko sa trip ng pagsasalita niya at bahagyang yumuko pa.

"H-ha?" nagtatakang tanong pa nito.

Ngumisi lang ako at umiling tiyaka bahagyang lumapit sakanya.

"Ah.. wala po.. binabasa ko lang ang name ng subdivision... hehe... abnoy kasi ang nag-isip nun! King and Queen Subdivision? Eh sigurado po ba kayong mga hari at reyna lang ang nakatira dito?"

"P-po?"

"Di niya ba naisip na may mga anak sila? Mga princess at princesses? Diba dapat Kings,Queens,Princes and Princesses Subdivision po dapat diba?" tanong ko pa.

Nakita ko pang napakamot ang security guard sa ulo niyang kumikintab kintab pa.. kalbo!

"Baliw ba tong isang toh?"

Narinig kong bulong niya. Napairap na lang ako.

"Yung may-ari nitong subdivision? oo!! Pero ako?? hindi po!" sagot ko agad na ikinagulat niya.

"Aba't---"

"Hehe.. toh naman si Kuya Guard.. di na po mabiro-biro... kaya mabilis lang lumagas buhok niyo dahil sobrang seryoso niyo masyado... chill!!!" natatawang sabi ko pa.

Greatest FearWhere stories live. Discover now