Chapter Fifty Seven

39 1 0
                                    

"Beybie wake up, time to eat" kasabay nun ang paghalik niya sa noo ko.

Sa totoo niyan, kanina pa talaga ako gising. Sadyang tinatamad lang talaga akong imulat ang mga mata ko. Ang sarap kaya ng tulog ko,haha!

Unti-unti kong minulat ang mata ko at napapikit din agad nung masyadong maliwanag ang bumungad sakin. Napabangon ako bigla nung narealize kong ang awkward pala ng position ko. Para akong 5 years old na batang karga ni Zephyr sa lap niya habang nakaupo at nakasuporta ang mga bisig nito sakin na mistulang sanggol. Medyo namula ako dun at iniwas ang mukha ko sakanya.

"Come on. The food is ready" tumango ako nang di tumitingin sakanya.

Tumayo ako mula sa sofa. Binuhat niya ako kanina mula sa kotse, naconscious tuloy ako sa timbang ko. Siguradong bumigat ako, dahil lately napapasarap ako sa pagpapak ng nutella at chocolates sa ref.

"Beybie, the dining is not there. This way" napakagat labi ako sa katangahan ko. Feelingera lang talaga akong alam ko ang pasikot-sikot dito. Tsk! Tanga tanga mo talaga Ceia!

Sinundan ko ang tinuro ni Zephyr. Nasa likod ko siya at ramdam ko ang titig niya. Siguro nawiweirduhan din toh sa inasta ko.

"Hey" halos mapasigaw ako sa gulat. Bigla ba namang nagsalita malapit sa mukha ko, agad kong nilayo ang sarili ko. Hinawakan niya ang kamay ko kaya napaatras ako. "Are you okay?" tumango ako sakanya at mabilis na humarap sakanya at ngumiti sabay iwas ng mukha.

"I'm just hungry beybie" sabay hila sakanya papasok at inalis ang ilang. Pumwesto agad ako pagkadating.

"Ma'am di po diyan, dito po" magalang sabi nung maid sa gilid. Tinuro niya naman ang upuan kaya lumipat ako. Nakatabi ko si Zephyr, nasa pinakacenter siya ng mahabang mesa at sa kanan niya naman ako.

Napalunok ako ng sunod sunod sa mga pagkaing nakahain. Mukhang fiesta dahil ang rami rami ng mga pagkain. Halos nandito ang mga pagkaing paborito ko. Sinigang na hipon, Adobo, menudo, fried chicken, lumpia at marami pang iba. Natatakam ako sa amoy pa lang. Napapakagat labi tuloy ako dahil sa mga pagkaing nakahain dahil di ko alam kung anong uunahin kong kainin. Nakita ko pa ang dalawang maid na may dala-dalang mga pagkain. Nung nilapag nila ito sa mesa ay halos tumulo ang laway ko.

Fruit salad at ice cream!!!

Parang kuminang ang mata ko sa dessert, at may isa pang maid na pumasok na may dala-dala ding tray na may takip, nung nilapag niya iyon katabi sa mga desserts at binuksan ang takip ay halos mapasigaw ako.

"Frozen Nutella" natatakam na bulong ko. Parang lumiwanag ang mga nutella na yun at parang may naririnig akong kanta ng mga anghel sa paligid.

"Beybie, I know what you're thinking. You'll gonna eat that later but first eat these foods okay?" tumango ako kay Zephyr.

Humanda kayo mamaya, ubos kayo sakin!

"Ako na" pigil ni Zephyr sa isang maid nung nilalagyan ako ng kanin, kinuha niya yun at siya na mismo ang naglagay nun sakin.

"Are you sure na mauubos ko toh?" nakangiwing tanong ko sakanya. Ngumiti ito sakin at inusog ang upuan niya sa tabi ko.

"Hindi, That's why I'm here. I will help you" ngumiti ito sakin at sinimulang kumain. Naalala ko tuloy yung pasta na yun. Tsk!

"Eat" tinignan ko lang ang kutsara na nasa harap ko.

Greatest FearWhere stories live. Discover now