Chapter Fifty Nine

35 1 0
                                    

"Zeph?"

Dahil sa gulat ay napatayo agad ako. Napangiwi ako nung diretsong nahulog si Zephyr sa carpet, sinamaan niya ako ng tingin kaya agad ko siyang inalalayang tumayo.

"Sorry beybie" saka dinampian ng halik sa noo niya kung san nabunggo sa parte ng ilalim ng sofa. Namumula pa ito. "Sorry. Nagulat lang ako" muling bulong ko dito saka tinignan ang babae sa pinto.

Kung titignan, di nalalayo ang edad niya kina Manang at Nana. Mukhang nagulat pa siya habang palipat-lipat ang tingin samin. May hawak itong bayong, nakikita ko pa ang dahon ng kangkong. Napalunok ako at medyo umusog kay Zephyr. Nakakahiya Siguradong nakita niya kami.

"Ah Yaya Mel, I would like to introduce her, this is Ceia my world" mahina ko siyang sinuko dahil dun.

"Corny mo" bulong ko dito na tinawanan lang niya. Alanganing ngumiti ako sa tinatawag niyang Yaya Mel. "Uhm.. Ceia po, girlfriend niya" nahihiya kong sabi.

Ngumiti naman ito saka ako tinignan, mula ulo hanggang paa. Parang may kung ano sa mata niya nung tinignan niya ako. Ngumiti ulit ito.

"A-anong buo mong pangalan iha?" mahinahong tanong nito na animo'y kabado.

"Ceia Wren Murielle po" sagot ko dito. Napatingin ako kay Zephyr, nagtataka din siya sa inasta ng Yaya niya. Bumalik ang tingin ko sa Yaya niya na ngayo'y nagulat at ang bayong niya ay nasa sahig na, pagkatapos kong sabihin ang full name ko nabitawan niya ito.

"Mu-murielle?" muling tanong nito, weird man pero tumango ako."Sinong mga magulang mo iha?"

"Si Griffin at Clementine Murielle po" magalang kong sagot kahit na nawiweirduhan na ko. Muli siyang napasinghap at bago pa siya natumba ay mabilis itong sinalo ni Zephyr saka inalalayan sa sofa kung san kami kanina nakaupo.

Dali-dali akong pumunta sa kusina at kumuha ng tubig at pinainom yun sakanya.

"Yaya you okay?" May bahid ng pag-aalala ang nasa boses ni Zephyr.

Kinuha ko ang baso sa Yaya niya bago ito tumango. Tumingin sakin ang Yaya niya, at tinignan niya na naman ako na para bang sabik na sabik? Ang weird talaga.

Narinig kong tumawa si Zephyr na ikakunot ko. Inakbayan niya ako.

"Yaya, alam kong maganda siya. Wag mo namang ipahalata, lumalaki ang ulo niyan" inis ko siyang siniko.

"I heard that" mataray kong sabi dito.

"I love you" bored look ko na lang siyang tinignan at binalik ang tingin sa Yaya niya na ngayo'y nakangiti samin.

"Tama ka Zeph, mas lalo nga siyang gumanda ngayon" nawala ang tawa ni Zephyr.

"A-ano po yun?" baka nagkamali lang ako ng dinig.

"Ah.. ang ganda mo nga iha" napatango na lang kami parehas ni Zephyr.

Greatest FearWhere stories live. Discover now