E.P.I.L.O.G.U.E

55 2 0
                                    

CEIA's POV.

Dumiretso ako kina Saige at Rya matapos namin silang makita sa hallway. Nilingon ko ulit sina Zephyr na nagsisiapiran at nagmaman hug, kung anuman ang tawag nila dun. Humarap naman ako kina Rya at Saige.

"Any news?" nakangiting tanong ko sakanila.

"Ahm.. hehe.. Sorry Wren. A-ano kase eh a---"

"Sila na ni Evan" mabilis na sabi ni Saige at kinindatan pa si Rya na napanganga at gulat na gulat na nakatingin dito.

"S-saige naman! Ba't ka na naman sumabat? Ako dapat ang sasagot diba? Ako yung tinatanong hindi ikaw!" inis na napakamot si Rya sa batok na ikinatawa ni Saige na halatang nang-aasar.

"Tagal mo kase. May pa ahm eh ka pang nalalaman diyan. Diniretso mo na sana, yan tuloy naunahan pa kita." ngingising sagot ni Saige dito. Napasimangot na lang si Rya sa tabi sabay cross arms. Napailing na lang ako. Mas lumala yata tong dalawang toh. Tss!

"Oh ikaw naman Saige, parang di kinidnap ah" ngiting asar ko dito na ikinanguso niya at agad ding namula. Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Dahil kase dun Wren naging kami ni---"

"Sila ni Ford at kung makaconfess sila sa isa't isa, kala mo naman nasa shooting..tss!" ganti ni Rya. "Oh wag na sumagot. Now you know the feeling" saka niya ito hinalikan sa pisngi at inakbayan. Ngumiti ako sakanilang dalawa.

"So, may maganda din palang epekto yung kidnap kidnap ni Perigrine na yun. Congrats sa inyo!" sabay kindat ko sakanila.

"Welcome Ceia!" sabay na sagot nina Evan at Ford tsaka mabilis na lumapit sakani-kanilang girlfriend sabay akbay.

Naramdaman kong may braso na pumulupot sa beywang ko. Di ko maiwasang ngumiti.

"Wren yung ngiti mo, lampas tenga na!" nawala ang ngiti ko at sinamaan ng tingin si Saige. "Sweety, may kukunin pala ako sa room. Akyat na tayo?" agad na usal  nito saka hinila si Ford palayo.

"See you later bro!" pahabol na sigaw ni Ford kina Evan at Zephyr na ikinatango lang nila.

"Ano bang espirito ang sumapi sa babaeng yun at ganun na lang kumilos?" naiinis kong tanong kay Rya na ikinakibit balikat niya.

"Nasobrahan yata sa pagkamatured Wren. Haha! Yaan mo na!" napabuga na lang ako nung nagpaalam na din sila.

Greatest FearWhere stories live. Discover now