Chapter Thirty Seven

38 0 0
                                    

"Oh? Ba't nalate kayo ng uwi?" nakapameywang na salubong ni Nana samin sa pinto.

Ibubuka ko na sana ang bibig ko nung inunahan ako ni Kuya.

"Hinintay ko pa si Ceia Nana dahil masyadong maganda ang alaga natin at pinapalibutan ng mga lalaki."

Pwede na talaga si Kuya pumasok sa larangan ng pag-aartista. Tss!

Napataas ng kilay si Nana at tumingin sakin sabay nanunuksong ngumiti.

"Just go with the flow." palihim na bulong ni Kuya sakin.

Napakagat na lang ako ng dila at umarteng nahihiya. Dahil dun ay natawa si Nana. Pati pala ako pwede ng mag-artista.. siguradong marami akong fans.

"E-eh kasi Nana.. di ko naman kasalanan yun kung ba't ako maganda. Sadyang mana lang ako kay...mie" sa huling sinabi kong yun ay nawala ang ngiti sa mukha niya at naging seryoso.

Nagtaka pa ako at agad namang bumalik ang ngiti ni Nana.

"Haha! San pa nga ba? Edi sa M-mommy mong maganda din. O sya at kumain na kayo para makabihis at makapagpahinga na kayo. Tamang- tama at mainit pa ang mga pagkain." sabay talikod niya at dumiretso sa kusina.

Tumingin ako kay Kuya pero nakatutok lang siya sa daan kung saan pumunta si Nana.

"Kuya, okay ka lang?"

"Ha? Ah--oo naman! Hahaha! pinapakiramdaman ko lang si Nana kanina. Mukhang nagalit yata sa sinabi ko. Haha!"

Napailing na lang ako at pabirong sinuntok siya sa kanang braso niya.

"Haha!"

"Kumain na nga lang tayo Kuya. Gutom lang yan" saka nauna na akong pumunta sa dining.

Umupo na ako sa pwesto ko. Agad namang nilagyan ng pagkain ni Nana ang plato ko. Napanguso ako.

"Nana.. I can't eat these foods. Ang rami rami" parang bata kong sabi.

"Ceia.. nag-aaral ka pa kaya wag ka munang magdyeta-dyeta.. baka magcollapse ka at aatakihin ak---"

"Oo na po Nana.. nagbibiro lang eh!" pilit akong ngumiti kahit na di ko kayang kainin ang ganitong kadaming pagkain. Malapit ng mahulog ang iba dahil nag-uumapaw na ito.

"Mabuti. Akin na ang bag mo para makakain ka ng maayos."

Binigay ko naman ito sakanya at pumunta siya patungong sala.

Nilingon ko pa ito bago dahan-dahang binalik ang ibang pagkain sa kanya-kanyang lalagyan.

Greatest FearWhere stories live. Discover now