Chapter Forty Nine

30 0 0
                                    

Ilang minuto kaming magkayakap sa isa't-isa. Di ko alam kung gaano ko siya namimiss.. hinahanap-hanap ko ang amoy ng pabango niya, yung boses niya, yung yakap na minsan lang namin nagawa, yung buong siya... at yung labi niya. Di ko mapigilang kiligin sa tanong niya sakin kanina.

"Did these assholes hurt my beybie?"

Ang lambing ng boses niya habang tinatanong niya yun sakin. Na parang isa akong espesyal sakanya na dapat ingatan.

Kumalas ako sa yakap at tinignan siya. Ngumiti lang ito sakin sabay pahid ng luha ko gamit ang palad nito.

"Why are you crying beybie? Tell me, did they hurt you?" madiing tanong nito sakin na bakas ang pagkaalala habang nakatingin sa mga mata ko. Mabilis akong umiling.

"Hindi hindi. I'm just... scared" napayuko ako at nagsimulang uminit ang sulok ng mata ko.

Natakot talaga ako kanina, sino ba namang babae ang hindi matatakot diba? Kaw ba naman palibutan ng motorbikes sa magkabilang gilid mo na nakahelmet pa, mukha silang goons kanina dahil sa suot nila, all black pa!

Narinig ko na naman ang mura niya. Inangat ko ang ulo ko. Natigilan siya nung makita ang itsura ko at agad akong niyakap. Naipikit ko na lang ang mata ko nung marinig ko ang heartbeat sa dibdib niya. Mas lalo kong isiniksik ang sarili ko dito para mas lalong mapakinggan ang tibok nito.

His heartbeat is the best music that I heard in my entire life.

"Calm down Zephyr. It's okay." nakangiting sabi ko dito habang nakapikit at parang musikang pinapakinggan ang tibok ng dibdib niya. Hinalikan niya ang buhok ko at hinimashimas ito.

"Zephyr?" seryosong tanong nito. Iniimagine ko pang nakakunot ang noo nito. Haha!

"Beybie" bawi ko agad dito. Inalis niya ako sa dibdib niya saka iniharap sakanya.

Tinititigan niya ako habang marahang hinahaplos ang mukha ko. Iniwas ko ang tingin ko sakanya, narinig ko siyang nagmura. Kinulong niya ang mukha ko sa dalawang palad niya at dahan-dahang iniharap ulit sakanya.

"Why are you like that?" tanong nito sakin habang tinititigan na naman ako sa mata. Unti-unti kong nararamdaman ang ilang dahil dito.

"H-ha?" ano ba naman kasing sinasabi nito? May kasalanan ba ako?

"Tsh!"

Pinigilan kong di matawa dahil sa pagnguso niya na parang bata. Sinamaan niya ako kaya napakagat ako sa ibabang labi ko.

"Don't avoid my stares " napatango na lang ako sakanya. " and that, don't do that." tumango ako--- what?!

"Ha? Anong that?" takang tanong ko dito. Bigla akong natawa nung inirapan niya ako.

"Biting your lips. I might kiss you, if you keep doing that." natigilan pa ako sa sinabi niya. A-ano daw? Nilapit niya ang mukha niya sakin kaya napapadistansya ko ang mukha ko sakanya. Wag niyang sabihing hahalikan niya ako dito, uminit ang pisngi ko.

Baka may makakita kasi plus nandito pa ang dalawang lalaki sa magkabilang gilid namin.

Pilit kong inalis ang isiping yun. Para namang iniisip ko na papayag lang ako pag kaming dalawa lang. Aishhhh!! Nagiging manyak na yata ako.

"Don't try to seduce me beybie. It's f*cking working" bulong nito sa tenga ko, napatulala pa ako ng ilang segundo at naramdaman kong uminit ulit ang magkabilang pisngi ko.

Greatest FearWhere stories live. Discover now