Chapter Fourteen

46 2 0
                                    

Naramdaman kong may pumahid ng pisngi ko kaya dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko.

"Umiiyak ka kasi Wren..kaya pinahid ko na lang.."nakangiting sabi ni Rya sakin.

"Nandito na tayo sa bahay niyo Wren.."napatingin naman ako kay Saige..umayos ako ng upo..baka nangalay na ang balikat niya sa kakatulog ko.

"Hmm..talaga??"mahinang sabi ko at inalis naman ang natitirang luha sa pisngi ko.

Napaniginipan ko yung pagnakaw ng halik nung lalaking yun sakin!!Bwiset siya!!!!

"Oo Wren..habang nasa biyahe tayo kanina..nagtext si Kuya Blaze sakin at kay Rya kung nasan na daw tayo..for the first time..sinabi niya din kung sang subdivision siya..kayo nakatira."mahabang paliwanag ni Saige.

Ngumiti na lang ako sakanila at kinuha niya naman ang nilibre nila sakin.

"Ang sweet naman ni Kuya Blaze...over protective talaga siya sayo..haha!!nag-iisang anak lang kasi kami nitong si Saige..may pinsan din kaming mga lalaki na over protective din samin..ang kaso,inaaway din nila kami.."

Natawa na lang ako nung ngumuso si Rya.Natango-tango naman ako sa nalaman ko.

Only child lang pala sila..

Nakarinig kami ng katok sa mismong bintana katabi ni Saige.Parehas kaming nilingon iyun at si Kuya pala.Inayos ko ang sarili ko.

"Salamat sa inyo ha? Tiyaka dito..thank you"sabay angat ng kunti ang binigay nilang bracelets.."mahal pa naman tong mga toh..Pandora Charms pa..thank you ulit"sabi ko at nginitian silang dalawa at inakbayan ko para mayakap ko sila.

"Thank You again"sabay hiniwalay ang pagkakayakap ko sakanila.

"Haha!!nu ka ba naman Wren..kami dapat ang magpasalamat sayo..kasi binago mo kami at tiyaka pinarealize samin na mali pala yung ginagawa namin dun sa mga staffs kahit na alam namin ang tama sa mali.."nakangiting sabi ni Rya..ngumiti naman ako dun..

"Pero teka..sinabi niyo ba kay Kuya yung sa kanina?"kinakabahang sabi ko.

"Nope..kahit mahirap man..iniwasan naming sabihin yun..kasi alam mo na..may pagkamadaldal kami to the point na nadudulas kami kung minsan..hehe"napailing na lang ako sa turan ni Saige.

Greatest FearWhere stories live. Discover now