Kakatapos lang namin kumain ng lunch at ngayon ay nakaupo ako sa swing dito sa likod ng bahay ni Kuya..nakatali pa ito sa puno ng duhat habang nakatingin sa garden.
Puno kasi ng iba't ibang kulay na dahon at bulaklak ang bawat gilid ng bakod.Tas ang iba pa ay nakatream talaga..minimaintain talaga yun kada week.
Tas may mga tropical berries pa na nakatanim sa bawat sulok ng garden.Nakalimutan ko na yung mga names eh.
May pool na pang adult at children sa bandang pinakagitna na nakapalibot pa dito ang mga nakatream na bermuda grass.Ang gilid ng pool ay may makapal na salamin para pangharang sa mga sobrang tubig na umaapaw para iwas aksidente.
May fishpond pa sa bandang kaliwa ko na puno ng iba't ibang kulay ng coin fish at iba pang uri ng isda.Nakatiles din ito tulad sa pool na blue para mas maging maganda ang tubig at maging malinaw.Punong-puno ito ng isda na animo'y nagtatalunan na kaya katulad ng pool ay may harang din na salamin sa bawat gilid nito.
May isa pang pond katabi nito na pag nilagay mo ang kamay o paa mo ay lumalapit sila at parang kinakain nila yung mga dumi sa balat natin.Nakakakiliti sa una pero ang gaan sa pakiramdam pag naging matagal..para kasing minamasahe ka.
Napatingin pa ako sa taas ng puno habang nagsiswing..may mini tree house din.Kaso kasya lang pangtatluhan.Diretso papag na siya,may mga ilaw din dito.May mini terrace kung saan kami humihiga ni Kuya sa papag nito para mag star or moon gazing.Pero di tulad sa school na tree house,yung paakyat dito ay hagdan din pero nakadikit sa trunk ng puno.Mahihirapan ka umakyat sa una pero pag sa huli masasanay ka din..muntik pa akong mahulog noon pero buti at nasalo ako ni Kuya sa baba.
*Arf!!Arf!!Arf!!Arf!!*
Napatingin ako sa harapan ko.Papalapit dito ang aso namin na si Mickey habang tumatakbo..di ko mapigilang manggigil habang nakatingin dito.Nakalabas pa ang dila nito na animo'y nililipad ng hangin at yung tenga ay tumatalon-talon ganun din ang buntot nito.
"Gusto mo maglaro ha?"malambing kong sabi nung nakalapit na siya sakin..dumidila pa ito sa kamay ko na nakahawak sa likod niya."Tuwang-tuwa ka talaga sakin?ah??hmmmpp..ang cute cute talaga ng Mickey namin."sabay pinanggigilan kong siya yakapin na parang malambot na teddy bear.
Nilaro laro ko siya ng ilang minuto sa bermuda grass habang nakahiga pa ito at pagulong-gulong.Enjoy na enjoy pa ito at ganun din ako.
Mabilis na tumakbo ang oras at gumabi na.Kumain na din kami ng dinner at nanood ng balita kasama sina Nana at Kuya at ilang palabas pagkatapos nito.Tas nauna na akong umakyat sa kwarto ko para humiga lang.
Nagbasa basa pa ako sa mga page sa facebook at nung naantok na ako ay nagtoothbrush at naglinis ng katawan tiyaka natulog.
•K•I•N•A•B•U•K•A•S•A•N•
Maaga ako gumising di para magjogging kundi ang magdilig sa garden.Ayoko na bumalik dun sa park at baka makita ko pa ang mga lalaking yun!Nakakairita kasi sila sa totoo lang.
Nag-ayos na muna ako at kumain na tiyaka nagpresinta kay Nana na ako na lang ang magdidilig,tutal may mga ibang gawain din naman siya na gagawin.
*Spussshhhh!Spussshhhh!*
Binuksan ko ang hose at tinapat iyun sa mga tanim.Nawiwili ako sa ginagawa ko dahil natutuwa ako sa pag tutok ng hose sa mga iba't ibang tanim.Iniimagine ko kasing tuwang-tuwa sila pag binabasa ko sila ng tubig.Tas may mga nakikita pa akong mga iilang paru-paro na dumadapo sa mga bulaklak.
YOU ARE READING
Greatest Fear
Teen FictionGangster... maraming kababaihan ang nahuhumaling o tipo ang mga lalaking tulad nito. Bad boy ang kadalasang tipo ng mga babae sa ngayon. Pero, katulad din ng iba, kabaliktaran ang tipo ni Ceia, wala nga lang siyang planong magkaroon ng boyfriend dah...