"Where have you been?" seryosong sabi ni Kuya na walang emosyong tumingin sakin.
Nasa malayo pa lang ako kanina ay tanaw na tanaw ko na si Kuya sa labas ng gate namin kasama ang guard namin.
Kinabahan ako bigla at palihim na nanginginig ang kamay ko sa likod ko. Itinago ko na ang ang sugat na may band aid na ngayon sa likuran ko. Taka niya akong tinignan mula ulo hanggang paa.
Shet!! Nakadress pala ako!!!
"And that dress... why are you wearing like that? Nagcutting classes ka ba kanina?"
Mabilis akong umiling sa tanong niyang yun. Isip Ceia... isip.
Di niya pwedeng malaman na may boyfriend na ako at di niya pwedeng malaman ang mga nangyari kanina at sa iba pang kagagahan na ginawa ko.
"Kase Kuya.. after class ay pumunta akong mall kase may bibilhin pa ako for my project and.." di ko alam kung anong sasabihin ko pagkatapos. Pinapawisan na ang mga palad ko.
"And what?" nakacross arms pa itong tumitingin sakin at hinihintay ang kasunod na sasabihin ko.
Bumuntong hininga ako.
"I accidentally saw my friend there." dugtong ko na ikinoo't ng noo niya.
"And who's friend?"
"Her name is Micah" nakangiting tukso ko sakanya na ikinamula niya agad.
Hindi ko na napigilang mapatawa.
Si Micah ang dating crush ni Kuya nung elementary days pa lang namin, hmm first love na din niya. Torpe si Kuya at di niya makausap kasi sobrang nahihiya talaga siya. Ni di niya man lang matingnan sa mata ng matagal at malalaman mo talagang naiilang siya. Ni di niya man lang machat o text. And by the way, she's my friend also. Napangisi ako ng palihim.
Thanks to that name. Alam kong di niya yun maitetext o machat kung magtatanong man siya dun. What a good idea Ceia Wren Murielle.
Inis siyang tumalikod sakin at di ko na mapigilang matuwa sa kaloob-looban ko.
"Pumasok ka na sa loob. Kung nagugutom ka, may pagkain diyan sa mesa at matulog ka na pagkatapos" nakatalikod niya pa ding sabi at naglakad papasok sa loob.
Yey!! Haha!!
Ngumiti lang ako sa guard namin at sumunod na din sa loob. Nagmano muna ako kay Nana at nakita ko si Kuya sa sala na seryosong nanonood ng... What?!! News?!! Impossible. Nakapatong pa ang dalawang paa sa glass table habang nakacross arms.
Napailing na lang ako.
May ibang iniisip toh eh!! Haha!!
Tinignan ko ulit si Nana at hinalikan siya sa pisngi.
"Goodnight Nana" at niyakap siya ng mahigpit.
Lalakad sana ako paalis nang hawakan niya ang braso kong may bandaid. Kumunot ang noo niya. Palihim kong kinagat ang ibabang labi ko.
"Nak.. anong nangyare dito?" tinignan niya tong maigi pero ngumiti lang ako.
YOU ARE READING
Greatest Fear
Teen FictionGangster... maraming kababaihan ang nahuhumaling o tipo ang mga lalaking tulad nito. Bad boy ang kadalasang tipo ng mga babae sa ngayon. Pero, katulad din ng iba, kabaliktaran ang tipo ni Ceia, wala nga lang siyang planong magkaroon ng boyfriend dah...