Chapter Eleven

51 1 0
                                    

Napabuga ako ng hangin at pinarada ko ang sasakyan sa harap mismo ng gate ng village.Pinatay ko ang makina ng sasakyan at kinuha ang susi tiyaka bumaba.

Nakita ako ang mga security doon..kunot noo silang napatingin sakin tiyaka sa taxi'ng sinakyan ko.Lalong-lalo na ang panot sakanila na unang nakausap ko nung pagdating ko dito sa village.

"Ma'am!! Kanino..po yan?"sabay turo niya sa taxi.

Ngumiti ako at hinagis ko ang susi sakanya na agad niya namang sinalo..muntik niya pa itong mabitawan.Natawa ako ng bahagya.

"Ah..yan ba?"kalamadong turo ko pa sa sasakyan na nasa likod ko tiyaka ko siya ulit nginitian."Napulot ko lang diyan sa kanto."sabi ko at naglakad papalapit sakanya sabay tapik sa kaliwang balikat niya."ikaw na po bahala jan..cge..pasok na ako."sabi ko at iniwan siyang nakanganga sabay pasok sa loob ng village.Nagsalute pa ako sa ibang security doon at tumango lang sila habang takang nagpabalik ang tingin sa taxi at sakin.Nagkibit balikat lang ako at naglakad papunta sa bahay.

Ilang hakbang ang layo ko sa bahay nung maaninagan ko ang bulto ni Kuya sa labas ng gate habang busy sa kakadutdut ng phone niya.

Naglalakad pa ito ng pabalik-balik habang busy sa ginagawa.Dahan-dahan lang akong naglalakad.Tumalikod siya bigla..napangisi ako bigla at lumapit ng lumapit sa likod niya sabay...

"BULAGAAAAA!!!!"

"P*TANG*NA!!!"malakas na malutong niyang sigaw at muntik pang mahulog ang phone niya kung di niya lang naagapang saluin ito.Inis siyang lumingon sakin at nanlaki ang mata niya..nagulat din ako mismong kapatid niya sa sinabi niyang yun.

"Kuya...nagsasalita ka na ng ganun??"mahinahong sabi ko sakanya habang siya ay nag-iiwas ng paningin sakin.

"I-ikaw kasi..n-nanggugulat ka.."sabi niya nang di tumitingin sakin.Sumalubong ang ang kilay niya at tinignan ako."T-teka nga lang...san ka nagsusuot?at bakit ginabihan ka??ha?!"

Napangiwi ako ng bahagya ng sumigaw siya.

"Eh ikaw din kasi..ang tagal tagal mong lumabas ng campus..alam mo namang wala sa bokabularyo ko ang salitang 'patience'..diba??"nakangusong turan ko sakanya.

Tumaas ang kanang kilay ko nung di mapakali ang mukha niya.Ako na ngayong ang pumeywang sa harapan niya at iniyuko ko pa ang ulo ko para makita ang itsura niya.

"Bakit nga ba??ha??Kuya??"makahulugang tanong ko.Nakita kong namamawis siya at umayos na ako ng tayo.

Siguro nagdedate pa tong mokong na toh..mmm??tss!!

"Wala naman akong ginagawang masama..kung ang nasa isip mo ay tungkol sa gang group gang group na yan..pwes!!nagkakamali ka!!"dire-diretsong sabi niya na walang tigil-tigil.

Greatest FearWhere stories live. Discover now