Busy kaming tatlo sa mga ginagawa namin.
Si Rya ay may kinukulikot na kung anu-ano.Si Saige ay nagbabasa ng libro at ako?Gumagawa ng dream catcher.
Nasa park kami ngayon kung saan malapit sa subdivision namin.Nasa lilim kami ng puno kung saan ang trunk ay pinapalibutan ng mesa at upuan at dun kami nakapwesto.Malaki ang space kasya sampu katao depende sa laki. ;)
Half day namin kaya umuwi kami para magpalit at dumiresto dito.Nakakasawa na kasing puro gadgets at social media..boring naman magmukmok sa kwarto at bahay kaya para maiba naman at makalanghap kami ng sariwang hangin at di puro aircon ay napili naming tatlo na dito na lang sa park.
Malapit din naman ang bahay nila.Sa iisang subdivision sila nakatira kaya sabay na silang pumunta dito.
Napatingin pa ako sa kaliwa ko kung saan may dalawang bata..isang babae at lalaki.
"Adi..baka naman matumba ako nito."natatakot na sabi nung batang babae na sa pagkakatantya ko ay 8 years old..ganun din ang lalaki.
"Ano ka ba Gel? Di yan..nakalimutan mo na ba ang sinabi ko sayo? Pag nandito ako sa tabi mo..di kita hahayaang masaktan..knight and shining armor mo ako diba?"sabi nung batang lalaki na ikinamula ng babae.
Kaya di ko din mapigilang mapangiti.
"Basta..dahan dahan lang ah?"
"Oo naman Gel..oh..itutulak ko na ah?"
"S-sige."nauutal na sagot naman ng batang babae.
Napangiti ako sa nakikita ko ngayon.Tinuturuan ng batang lalaki magbisikleta ang batang babae.Mistulang balance wheel ang lalaki dahil siya ang umaalalay sa likod nito.
Napangiti ako ng mapait.Dahil katulad na katulad nila kami dati.
"Pag nandito ako sa tabi mo..di kita hahayaang masaktan..ako ang knight and shining armor mo..pangako."
Nakaramdam ako ng kirot sa ala-alang yun.Parang may kung anung bumabara sa puso ko na gusto kong ilabas pero di ko magawa.
Halos parehas ang sinabi nung batang lalaki sa batang babae...ganun din ang sinabi niya sakin dati nung mga bata pa kami.
YOU ARE READING
Greatest Fear
Teen FictionGangster... maraming kababaihan ang nahuhumaling o tipo ang mga lalaking tulad nito. Bad boy ang kadalasang tipo ng mga babae sa ngayon. Pero, katulad din ng iba, kabaliktaran ang tipo ni Ceia, wala nga lang siyang planong magkaroon ng boyfriend dah...