Chapter Thirty Nine

34 0 0
                                    

Shit!! Ito na naman?! I hate this!!

"Uyy Wren sorry na ah? Biro lang yun" narinig kong boses ni Saige na papalapit sa likuran ko. Pero di ko sila pinansin at pinatitigan ang sa harapan,di kalayuan sakin. "Ba't natigilan ka? Baka nagtatampo ka samin ah? Sor---ry." parang slinowmo niya pa ang 'ry' sa word na sorry nung makita niya ang tinitignan ko.

Napabuntong hininga ako at ngumiti ng pilit sa dalawa na nakalapit na pala sakin.

"Ayy! May kasamang... iba?"

Napakagat ako sa ilalim ng labi ko. Umiinit ang gilid ng mata ko pero buti na lang at napigilan ko.

"Sshh Saige.. Shut up nga diba?" rinig kong pabulong na suway ni Rya.

"Sorry na.. biro lang"

"Di ka nakakatulong Saige" mataray pang sabi ni Rya.

Ito na naman... masakit... parang may kung anong kumikirot sa dibdib ko. Ang weird lang dahil ngayon ko lang ulit ito nararamdaman. Shit!! I know this feeling and I don't want to turn to--- pshh! I hate it!

"Sorry na.." rinig ko na naman silang dalawa. "Promise, Ceia Wren Murielle di ko na uulitin!!!"

Naipikit ko ng mariin ang mata ko at mabilis na tinanggal ang pagkapusod ng buhok ko para matakpan ang mukha ko at agad akong nagside view habang napapakagat sa ibabang labi ko.. masama kong tinignan si Saige na nakapeace sign.

"Sh*t ka talaga Saige. Bunganga mo talaga." inis ding bulong ni Rya sakanya.

Ngayon ay kita ko silang dalawa.. ang makukulit kong mga kaibigan na ngayo'y parang nakakita ng multo sa likuran ko.

"Uh oh.."

"Patay.."

Mas lalong diniin ko ang pagkakagat sa ibabang labi ko. Don't tell me naki---

"Ceia?"

Nanlamig ako.. that voice. Of course I know that voice, who could be not? The cold stares.. the cold voice and the cold treatment of Zephyr Gabriel.

Mabilis kong nahawakan ang kamay nina Rya at Saige at dali-dali silang hinila sa kung saan na di ko na alam. Ang importante ay makalayo ako, kami sakanya. Shit!

"Saige.. how many times do I have to repeat it that please low your voice? Aisshh!" napapakagat na ako ng dila dahil sa inis. Tumatakbo pa din kami, halos ang mga nakakasalubong o ang mga tao sa paligid ay napapatingin samin. Bwesit!

"Run faster please.." pakiusap ko na lang sakanilang dalawa at binitawan ang mga kamay nila para makatakbo sila ng maayos. Hinawakan ko mabuti ang bag ko. Hopefully, nakasabay din sila sa pagtakbo ko. "As a punishment Saige.. you will be the one in charge in paying our bills today. No buts.. just do it if you don't want me to be mad at you" habol ko pang sabi. Kita ko sa gilid ng mata ko na ngumisi ng tagumpay si Rya at humalakhak.

"Aishh--okay okay! Sorry again" naiiling na lang ako kay Saige.

"Forgiven" sagot ko at mas lalong binilisan ang pagtakbo papuntang elevator at mabilis kaming pumasok dun na ipinagsalamat namin na kami lang ang tao dun.

Greatest FearWhere stories live. Discover now