Nakatayo pa din kami dito sa open na parking lot.. nakasandal pa din ako sa itim na kotse habang nakatingin sa mga sasakyan sa highway.
Kung di niyo alam, yung parking lot kase is open like siya, di yung katulad na parking na parang basement ito kasi malapit ito sa highway. Basta, yun na yun! Hehe.
Wala pa kasi ang service namin, which is kina Rya, naflatan daw ng gulong kaya pinaayos pa daw. Napahawak ako sa tiyan ko, anong oras kaya dadating yung service namin? Gutom na ako. As in.
"Ba't minalas yata tayo ngayong gabi? Kanina si Wren na---" di na natuloy ni Saige ang sinabi niya nung sinamaan ko siya ng tingin. Alanganing ngumiti siya sakin. "Hehe... sabi ko nga tatahimik na ako." napailing na lang ako.
Ba't naging ganito toh? Dati naman parang ang hilig lang nito magbasa ah? Tss! Ano kaya ang ginawang kagaguhan nung Ford at Evan sa dalawang toh? Tss! Mga B.I talaga!
"Seriously guys, I'm really sorry. Matatagalan daw si Manong sa vulcanizing shop. Nawalan daw ng supply yung gulong na katulad samin eh." rinig kong sincere na sabi ni Rya habang nakatingin samin na nag-alala habang hawak ang phone niya na kababasa lang yata ng message galing kay Manong.
Parehas kaming napabuntong hininga ni Saige sa balitang iyon.
"Mukhang matatagalan tayo dito ah. Gutom na ako mga besh!" parang batang reklamo ni Saige.
"Musta naman ako?/ Count me in!" Halos sabay namin ni Rya.
"Kumain na lang kaya tayo sa resto niyo Rya?" suggest ko na sinang-ayunan nila agad.
Papasok na sana kami sa entrance nung mall nung sabay na nagring ang phone ni Rya at Saige. Bale pinapagitnaan nila ULIT ako. Well, palagi naman eh!
Di ko alam kung san ko ibabaling ang tingin ko.
"W-what?! Bakit biglaan? Aissh! Sige na nga!" si Rya.
"Seriously?! Daddy I'm here in the mall with Rya and Wren. B-but.. Hayst.. Oh..kay" si Saige naman.
"Kainis/ Bad trip!" halos sabay nilang sabi.
Taka naman akong tinignan silang dalawa.
"Teka, anong problema niyong dalawa at inis na inis kayo diyan?" di ko na napigilan magtanong at bahagyang hinila sila sa gilid, sa bench. Nakaharang kami sa entrance eh. Sa tanong kong iyon, parehas silang napairap.
"What now?" tatawa kong tanong sakanila.
"Oh Wren.. Bad trip ako kay Daddy ngayon." kita ang inis sa mukha ni Saige.
YOU ARE READING
Greatest Fear
Teen FictionGangster... maraming kababaihan ang nahuhumaling o tipo ang mga lalaking tulad nito. Bad boy ang kadalasang tipo ng mga babae sa ngayon. Pero, katulad din ng iba, kabaliktaran ang tipo ni Ceia, wala nga lang siyang planong magkaroon ng boyfriend dah...