Chapter Thirty Two

36 0 0
                                    

"Ready Ma'am?" Tanong sakin nung staff na nakaassign sakin.

Ngumiti lang ako sakanya bilang sagot at kinuha ang isang pinggan sa parang cart na hawak niya.

"Ready!!" ngiti ko at bahagyang pinosisyon ang sarili para magbato at sabay bato ko na parang flying saucer.

"Hooooooo!!!!" Sigaw ko matapos magkadurog durog at pira-piraso ang pinggang binato ko.

Nakasuot ako ng goggles pamprotekta sa mata baka may tumalsik na bubog even though malayo naman sa pader.

"Mukhang may pinagdadaanan ka Ma'am ah" kita kong ngumiti ang babae na ang pangalan ay Jenny sa name tag niya. Ngumisi lang ako at bahagyang nag-isip.

"Hmm..Sort of" sabi ko sabay bato ulit ng dalawang pinggan at parehas pa iyun bumunggo at sabay na nadurog.

Di ko mapigilang mapangiti at tumalon talon habang nagbabato ng mga pinggan. Para akong batang nag-lalaro ng apoy.

"I really really miss this!!!!" Natutuwang sigaw ko sabay bato ulit ng isa. Ayun! Durog na durog.

"Haha! Galing galing mo Ma'am. Durog na durog talaga. Haha!" Rinig kong sabi ni Jenny. Ngumisi na lang ako at hinahanda ang huling pinggan.

May narinig pa akong tumitili at napapasinghap.. Lalong-lalo na ang katabi kong si Jenny.. pero di ko na iyun binigyan pa ng pansin o kahit lingon lang dahil nakafocus lang ako sa ginagawa ko. Aakmang ibabato ko na ng may biglang kumuha nito at binato iyun sa pader ng pagkalakas-lakas na ikinapikit ko dahil sa ingay.

Inis naman akong tumingin sa kanan ko at ganun na lang ang ikinagulat ko ng makita ko ang kanina ko pang kinaiinisan.

"And why are you here?" Mataray kong sabi sakanya at pinameywangan siya.

Nagkibit balikat lang ito at tumingin sa pader sabay tingin ulit sakin pabalik.

"Why did you leave me there?" Malamig nitong sabi. As usual.. May bago ba?

Dahil sa tanong niyang yun.. automatikong napairap ako sabay tingin kay Jenny na tulala pala sa kasama ko.

Aww..wag Jenny..malandi yan.

"Give me some ten plates. Here's the money. Keep the change" abot ko ng 500 sakanya.

Agad naman itong tumango na parang gulat na gulat pa sabay bigay ulit ng panibagong mga pinggan.

Kumuha ako ng isa.

"Nice question beybie." at inemphasize ko pa iyun, pampainis. Di ko alam kung nagulat ba siya dahil di ko na inalam pa. "Coz your busy with that malandi girl of yours" sabay hagis ng malakas na malakas at sinama dun ang inis at galit ko.

Psshhh!! F*ckers!

Wala akong narinig ni ha o ho mula sakanya. Tahimik lang siya kaya mas lalo akong nainis at sunod-sunod na hinagis yun na katulad sa una ay durog na durog.

"Ma'am dahan dahan po. Baka matalsikan ng bubog yung kasama mo." mahinahong paalala sakin ni Jenny na animo'y nangangamba pa.

Tinignan ko siya na painosente.

"Who?" sarcastic kong sabi sabay lingon kay Zephyr na nakitingin pala ng seryoso sakin. "This?" ngisi akong bumalik ng tingin kay Jenny na ikinatango niya.

Greatest FearWhere stories live. Discover now