Chapter Thirty Six

38 0 0
                                    

"Hi Kuya!" bati ko sakanya nung nakalapit na ako. Nakasandal siya sa sasakyan niya at may kung anong sinoscroll sa phone. Parang gulat na gulat pa ito.

Kaya lumapit na ako sakanya at tumingkayad para makita kung anung pinagkakaabalahan niya pero agad niya naman itong nilayo sakin.

"They knew it."

"Ha?" napataas pa ang kilay ko sa sinabi niya.

Umiling lang siya at napasabunot sa buhok niya na inis na inis.

"Did you say it to anyone?"

Di ko mapigilang mapakamot sa mga sinasabi niya. Ako ba talaga tinatanong niya? Napalingon ako sa likuran ko pero wala namang tao.. except lang sa mga sasakyan na itim na nakaparada sa di kalayuan at mukhang familiar pa ito.

Nagkibit balikat lang ako at di na lang pinansin sabay balik ng tingin kay Kuya.

"Anu bang sinasabi mo Kuya? Di kita maintindihan.. ang gulo mo Kuya" napapairap pa ako.

Napabuga pa siya ng hininga bago magsalita at tinignan ako maigi.

"Bukod pa kina Saige at Rya. Sino pang sinabihan mong magkapatid tayo?"

Napaah na lang ako sa tinutukoy niya. Sana diniretso na niya. Kung anu-anong pang pinagsasabi e! Tsshh!

"Uhm..Sab?.. di ko na matandaan eh" nangangamot pa ako sa noo ko nung sabihin yun dahil di ko talaga matandaan.

"Sabrina ba?"

Napatango ako bigla at pinatunog ko ang thumb at middle finger ko.

"Bingo! Sila nga Kuya at yung nga alipores niya... Fan girls mo yun! Psh!" sabi ko na napapairap pa.

"I can't believe this!" naiinis na sabi niya at muling napasabunot sa buhok niya. Naiangat niya pa ang ulo niya at napatingin sa likod ko. Kumunot pa ang noo nito at bigla na lang natigilan sabay mabilis na hinila ako dali-daling binuksan ang pinto ng backseat sabay tulak sakin at mabilis na sinirado ang pinto.

"Nakakainis ka Kuya! Ba't mo ko hinila at tinulak?" inis na sabi ko nung nasa driver seat na siya at binubuksan ang makina.

Tinignan niya ako sa rear mirror at nagsenyas ng shhh.. Naiiling na lang ako at inis na sumandal sa kinauupuan ko.

"Hoy! Kuya! Diba bawal ang phone sa campus? Ba't meron ka?" nakataas ang kilay kong sabi habang tinignan din siya sa rear mirror. Nagsimula na ang biyahe.. scratch that!... karera. Parang nasa karerahan kami at ang bilis niyang magpatakbo.

Kinapkap ko agad ang seatbelt at mabilis na nilagay sa sarili ko.

"Aissh!! Kuya naman! Muntik na kong mabunggo!" sinamaan ko siya ng tingin pero pabulong na mura lang ang narinig ko habang nakatingin siya sa left side mirror. "Kuya!!!" muling sigaw ko.

"Just shut up okay?!! Shit! May sumusunod satin!"

Napanganga pa ako sa narinig ko.

Greatest FearWhere stories live. Discover now