Chapter Thirty Three

45 0 0
                                    

Ewan ko kung bakit.. pero yung inis at galit ko kanina bigla na lang nawala. Parang magic na biglang naglaho. Ba't kaya ganun? Mmm..Weird.

"T-teka!" Pigil ko nung makitang lalabas na kami ng bakod ng Freedom Wall. Taka naman siyang lumingon sakin.

"Why?"

"Eh.. Diba galit ka? Try mo kaya yung actvity na yun" sabi ko sabay turo sa loob.

Yung kalmang mukha niya ay unti-unting kumunot hanggang sumama na itong lumingon sa likod ko.

"Ayoko. Di na ako galit. Kaya halika na." Sabay hila niya ulit sakin.

"Pero diba sabi mo kanina galit ka? Try mo lang. Baka mag-enjoy ka" pangungumbinsi ko sakanya sabay lumapit.

Tumigil siya sa paglalakad at bumuntong hininga sabay tingin sakin. Kaya napangiti ako ng pilit.

"Sige na." parang bata ko pang sabi sabay yugyog sa kaliwang braso niya na ikinailing niya na may ngiti. "Yiee...papayag na yan." sabi ko pa.

Nagulat naman ako nung hinarap niya ako sakanya at hinawakan sa magkabilang balikat ng dahan dahan at tinignan akong maigi sa mata. Di ko mapigilang mapalunok.

"I said di na ako galit. Tiyaka naiinis ako dun.. tignan mo nga yang kanang braso mo."

Tumingin naman ako sa braso ko na umokay na.

"Eh napalakas nga yung paghagis ko kaya natalsikan ako ng bubog. " pangangatwiran ko pa na ikinatigil niya at bahayang nag-isip.

Tinanggal niya ang kamay niya sa balikat ko at nagcross arms na ngayon sa harapan ko na may panunuksong tingin.

Anong kalokohan na naman kaya ang nasa utak nito?

"Di ko natanong.. may rason ba yung paghagis mo kanina ng pagkalakas-lakas hmm?"

Kumunot naman ang noo ko dun at di pinahalata ang biglang kaba na nararamdaman ko ngayon.

Naalala ko na naman tuloy. Naikuyom ko na naman ang kamao ko. Napatingin naman siya dun kaya tinago ko sa likuran ko at bahagyang umuna ng lakad at nilampasan siya.

Wala na akong gana.

"Teka.. kala ko ba ipapatry mo sakin ang activity na yun?" may panunuksong tanong niya.

Di ko siya hinarap at nanatiling nakatalikod.

"Ayoko. Nawalan na ako ng gana" ismid ko pa at dire-diretsong naglakad rinig ko pa ang pagtawa niya.

Greatest FearWhere stories live. Discover now