Gumising ako ng maaga para makapagbreakfast at para magjogging na din, pampabawas ng sama ng loob kay Kuya.
Naligo ako saka blinower ang buhok at tinali yun. Nagbihis ako ng fitted shirt na pang sports saka nagsuot ng jacket na may hood na kulay gray, at pinaresan ng pedal shorts saka nagrubber shoes. Kinuha ko ang phone saka sinalpakan ng earphone.
Lumabas na ako ng kwarto, papunta sa stairs ay nakita ko ang pinto ng kwarto ni Kuya. Napalingon pa ako dun at tinignan ng ilang minuto. Tumingala ako sa kisame para pigilan ang mga nagbabadyang luha ko saka kinalma ang sarili ko at nilampasan yun.
Pumunta ako sa kusina at kumuha ng bacon na iuulam ko. Wala kasing natirang ulam. Ginawa ko namang fried rice ang natirang malamig na kanin, sayang kung itatapon lang din. Thanks to Zephyr. Naalala ko tuloy yung pasta na yun. Tss!
Nung natapos na ay kumain na ako saka nagtoothbrush. Kinuha ko ang isang bote ng malamig na tubig sa ref para baunin yun. Nakita ko ang sticky paper sa ibabaw ng ref at ang ballpen. Nagdadalawang isip pa ako kung kukuhanin ko yun o hindi pero sa huli ay di ko na namalayang nagsusulat na pala ako. Saka idinikit yun sa ref pagkatapos.
Lumabas na ako ng bahay kasabay ang pagihip ng malakas na hangin kaya napayakap ako sa sarili ko. Magaalasingko pa lang kasi ng umaga pero di naman gaanong madilim, yung nagbublue na ang langit, ganun. Kasabay ng pagyakap sa sarili ko ay ang pagkabog ng dibdib ko na parang may mangyayaring di maganda. Kinalma ko ang sarili ko at ipinagsawalang bahala na lang, ayokong takutin ang sarili ko.
Nag-umpisa akong magjog sa labas ng gate papunta sa labasan ng subdivision at nagsimulang magpatugtog. Habang nagjajog ay nakikita ko pa ang mga malalaking bahay--- I mean mansion na nag-uumpisang magkailaw. May nakasabay pa akong mga couples sa kabilang gilid sa kanan banda ng kalsada na nagjajogging din katulad ko.
Ngumiti sila sakin na tinanguan ko lang, binilisan ko ang pagjog ko para malampasan sila. Wala akong partner eh! Tsk!
Kumaway ako sa guard house ng subdivision kung san nakita kong nagkakape na sila. Ngumiti sakin si Manong KG, Kalbong Guard. Nakalimutan ko na kasi ang name niya kaya yun na lang tawag ko. Ngumiti ito sakin na nginitian ko din pati mga kasama niya na nagbabasa ng diyaryo sa loob ng guard house nila. Tinanggal ko ang isang pares ng earphone sa kanang tenga ko at medyo hininaan ang volume ng song.
"Oh iha, mag-iingat ka ah? Wala ka pa namang kasama at medyo madilim pa diyan sa kanto" sabay turo sa labas. Huminto ako at tumango sakanya.
"Tss! Wala yan Manong. Ako pa? Black belter yata toh sa karate" sabi ko pa at nagact ng magkakarate na ikinatawa ng mga kasamahan nila.
"Haha! Loko loko ka talaga iha. O sya sige iha, tatawagan na lang namin si Kuya mo na nagjogging ka kung sakaling hahanapin ka niya mamaya." sabi nung guard na nagbabasa ng diyaryo sa loob.
"Manong naman, nagpaalam kaya ako sakanya" sabi ko at iniwas ang tingin ko.
YOU ARE READING
Greatest Fear
Teen FictionGangster... maraming kababaihan ang nahuhumaling o tipo ang mga lalaking tulad nito. Bad boy ang kadalasang tipo ng mga babae sa ngayon. Pero, katulad din ng iba, kabaliktaran ang tipo ni Ceia, wala nga lang siyang planong magkaroon ng boyfriend dah...