Bakas sa mukha nila ang gulat. Mabilis na lumapit si Saige samin at nilapit pa ang mukha niya sa mukha ko, hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko, sa buong mukha ko na parang sinusuri.
Lumayo siya at napatakip sa bibig niya na gulat na gulat. Nagtitigan pa silang dalawa ni Rya saka tumingin ulit sakin.
"Shet!!!" mura ni Saige. "Tangeks! Natuluyan na." laking-laki ang matang tinignan ako kaya di ko mapigilang mapangiwi sa itsura niya.
Mukha siyang bukaw
"Oo nga." pabulong ni Rya na parang ayaw magsink in sa utak niya ang sinagot ko sa pagputol ko sa tanong niya sana.
Malungkot akong ngumiti sakanila at napabuntong hininga na lang.
"Wala eh.. naramdaman ko na lang." sabi ko at pinahid ang natitirang luha sa mata ko.
"Kailan mo naramdaman?" sabay na tanong nilang dalawa. Ngumiti ako sakanila.
"Ngayon ngayon lang" kaswal kong sabi na ikina ha nila kaya naitakip ko na lang ang magkabilang tenga ko..
Ang sakit! Parang nabingi yata ako sa tinis ng boses nilang dalawa.
"Ngek! Pano yun nangyare?" taka namang tanong ni Saige.
Nagkibit balikat lang ako sakanila at inayos ang buhok ko into a messy bun again. Bumuga ako ng hininga at napatingin sa paligid na naguumpisang bumukas ang mga ilaw dito sa rooftop, pati na din sa kubo kubo.
Wala eh! Ganyan talaga ang pag-ibig.
Nararamdaman mo na lang sa isang taong di mo inaasahan. T*ng*na!! Ang corny corny ko na.. Buset!!!
"Pero Wren.. mali ang ginustuhan mo"
Napatingin ako kay Saige na biglang sumeryoso.
"Bakit?" tanong ko kahit alam ko kung naman ano.
"You hate gangsters, do you?" seryosong tanong niya na naman. Para akong nakakita ng dating Saige na hindi childish at hindi loka-loka tulad kanina. Yung Saige na normal ang pag-iisip. Napatawa ako sa isipang yun. "Baliw ka? Anong tinatawa tawa mo jan?"
"Wala" tanggi ko at inirapan niya ako na ikinataas ng kilay ko. "Y-yes.. I hate gangsters and one of my fears of." pabulong nasagot ko.
"But sabi mo kanina lang na pipigilan mo?" tanong ni Rya na ikinatango ko.
Ano naman ang connect dun?
"Edi gawin mo!" sabay na sabi nila na ikinangiwi ko sa lakas ng boses.
"Pero pano? Help me" pabulong kong sabi at bahagyang napayuko.
Di ko alam kung pano eh! Kasi naman yung Zephyr na yun!! Argghhh!!! Mapuputulan ko talaga siya ng ulo! Bwisit!! Pahamak talaga!!
YOU ARE READING
Greatest Fear
Teen FictionGangster... maraming kababaihan ang nahuhumaling o tipo ang mga lalaking tulad nito. Bad boy ang kadalasang tipo ng mga babae sa ngayon. Pero, katulad din ng iba, kabaliktaran ang tipo ni Ceia, wala nga lang siyang planong magkaroon ng boyfriend dah...