Nakaupo lang ako habang tinigtanan silang dalawa. Habang sinisigawan ni Zephyr ang driver. Wala akong magawa dahil ako mismo di pa din magsink in sa utak ko ang nangyayari.
Muntik na akong mabangga ng truck, o di naman... mapatay. Ramdam ko pa din ang kirot sa kaliwang braso ko dahil sa malakas na pagkatulak ni Zephyr sakin sa gilid dahilan ng paggasgas ng braso ko sa semento.
"You must be in jail!!! You must imput---"
"TAMA NA ZEPHYR!!!" malakas na sigaw ko. Napalingon sakin si Zephyr na nagulat sa biglang pagkasigaw ko, buti na lang at walang masyadong tao sa paligid. Inipon ko ang lakas ko at pilit tumayo sabay masamang tinignan siya.
"Don't shout at him Zephyr! It should be me! It is my fault! Not him!!" inis na sigaw ko sakanya. 'I'm sorry' I mouthed to the driver. Humugot ako ng hininga at tumingin ulit sakanya bago magsalita. "I hate you!!! And I'm breaking up with you!!!" malakas na sigaw ko para marinig niya at dali-daling pinara ang taxi na nakita ko sabay sakay.
Mahigpit kong hinawakan ang bag ko na nakasabit pa rin pala sa shoulder ko. Napatingin ako sa side mirror at kita kong nakatayo lang siya habang nakatingin dito sa sasakyan. Napalunok ako ng sunod sunod. Iniwas ko ang paningin ko sa side mirror kasabay ang paglabasan ng mainit na likido sa mga mata ko.
"S-sa King and Queens Subdivision po Manong p-please." nahihirapan kong sabi habang napapahikbi ng tahimik.
Kita kong tumango ang driver at napatingin sakin sabay ngiti ng tipid.
"Ma'am ganyan po talaga ang pag-ibig. Kahit gaano man kasama ang minamahal mo, tanggap mo pa din dapat siya. Di ka po dapat gumagawa ng desisyon na makakapagpanakit ng damdamin mo Ma'am, nasa huli ang pagsisisi.. At sana maging masaya kayo sa desisyon niyo" mala love guru na sabi niya na nakapagpangiti sakin ng malungkot.
How can I love him when he's the kind of guy that I hated and feared the most?
"Anong nangyare sayo Ceia?" bungad sakin ni Kuya,as usual nasa gate na naman siya nakaabang.
Pano, iyak ako ng iyak kanina sa taxi pagkatapos nung ala love guru nung driver. Para akong bata kaninang naglalakad habang pahid ang luha sa mata ko gamit ang palad ko. Di ko pa pinansin ang mga guards dun sa entrance ng subdivision, pati yung kalbo dun.
Napahagulgol ako sa tanong ni Kuya at mabilis na yumakap sakanya at dun ko pa binuhos lahat lahat.
Habang naglalakad ako at umiiyak papunta sa bahay. Narealize kong di pala gusto lang kasi kanina pa pumapasok ko ang salitang love. Bilis ko naman yatang mainlove sa gangster na yun.
Hinagod hagod ni Kuya ang likod ko. Habang ako naman ay iyak ng iyak na parang batang binully ng kalaro sa park. Ramdam kong basa na ang tshirt ni Kuya kaya humiwalay na ako sakanya at pilit pinahid ang luhang tumutulo pa din.
"Kasi Kuya.. Nadapa ako kanina.. nagasgasan ang braso ko" pagdadahilan ko.
Ghaaad!! Ilang taon kaya ako sa purgatoryo? Limang taon? Sampung taon? O higit pa?
Simula na nakatapak ako ng Maynila,nagiging sinungaling na yata ako sa mga pagdadahilan ko lang.
YOU ARE READING
Greatest Fear
Teen FictionGangster... maraming kababaihan ang nahuhumaling o tipo ang mga lalaking tulad nito. Bad boy ang kadalasang tipo ng mga babae sa ngayon. Pero, katulad din ng iba, kabaliktaran ang tipo ni Ceia, wala nga lang siyang planong magkaroon ng boyfriend dah...