*birds chirping*
Ni walang umimik samin dalawa nung nag-umpisa ng umandar ang bike. Sikad lang ako ng sikad.
Halos gusto ko nang tumalon dito sa bisikletang toh dahil sa hiya.
Pano ba naman kasi..pinagtitinginan kaming dalawa.
"Wow!!ang cute cute naman nilang tignan..diba honey?"
"Yeah..just like us before."
"Yiee...hahaha"
"baby..look at them!!Aren't they're sweet?Hihi!!I guess so..and their couple jacket..aww..adorable"
"baby..you want that too?"
"Yes yes!!"
Parang uminit bigla ang mukha ko dun..yun na kasi ang mga naririnig ko sa twing madadaanan namin ang mga ibang magsyota dito sa bandang benches..ang bagal pa naman namin magpaandar nitong bike.
At ilang oras ko siya makakasama?1 hour?!!Syeteng syete!!Pisti!!!
"Tss!!"as usual..yan lang naman ang komento niya dun.
Eh ano bang inaassume ko? Malamang sa malamang..yan lang din naman yung bukambibig niya eh!!Palaging tss!!tsstssan ko yung bibig niya eh!!
Ilang minuto pa lang ay nadaanan namin ang street foods na nasa park area din sa gilid banda.
"Wait..can we stop here for a while?"pormal na sabi ko.
"Tss!"tiyaka niya pinahinto ang bisikleta..ni di nga ako nagsisikad eh..siya lang din.
Palihim kong kinontrol ang sarili ko dahil sa naging sagot niya.
Nakakainis din naman kasi..ba't parehas kaming nakahood jacket?Gray din yung sakanya..t*ng*na talaga!!
Agad naman akong umalis sa bisikleta at lumapit dun sa ale na nagtitinda ng mga street foods.Napangiti pa ako sa amoy..
Mmm...namiss ko toh!
"Dalawang kwek-kwek,sampung piso na fishball,ganun din po sa kick yam..at itong isaw..tatlo po."sabi ko dun sa nagtitinda at inabot ang bayad.
Hinintay ko muna kasi niluluto pa.Napatingin naman ako sa lalaki na hawak ang bisikleta.
Wala naman sigurong masama pag kinausap ko tong magnanakaw na toh?!!
Napangiwi pa ako dahil sa tingin niyang nandidiri habang tinititigan ang mga niluluto nitong ale.
Parang namangha naman ako dun dahil umiba na ang ekspresyon niya.Bulag ko lang kung di ko aamining gwapo talagang magnanakaw na toh!Maputi,matangos ang ilong,mahaba ang pilikmata,thin red lips,messy hair dahil sa hangin kanina.Almost perfect na para maging boyfriend.
YOU ARE READING
Greatest Fear
Teen FictionGangster... maraming kababaihan ang nahuhumaling o tipo ang mga lalaking tulad nito. Bad boy ang kadalasang tipo ng mga babae sa ngayon. Pero, katulad din ng iba, kabaliktaran ang tipo ni Ceia, wala nga lang siyang planong magkaroon ng boyfriend dah...