*Blaaaaggg!!*
Agad kong pinunasan ang luha gamit ang likod ng kamay ko at sumilip banda sa pinto at halos mapanganga ako sa nakita ko.
Nasa sahig na ang guard namin, at di ko alam kung buhay pa toh pero pinapanalangin kong nawalan lang siya ng malay.
Napalunok ako nung wasak na ang gate namin. Sira sira na ito at di ko alam kung anong bagay ang ginamit nila dito.
Nakita ko ang lalaking di pamilyar sakin na nakatayo malapit sa guard at alam kong siya ang may gawa sa guard namin, nakangisi pa ito habang nakatingin sa guard.
Napalunok ako at nanlamig ang buong katawan ko nung makitang may baril siya sa kamay niya.
Nangingilid ang luha ko pero di ito ang oras para umiyak. Bagkus ay dahan-dahang pumasok ako sa loob at pumunta sa kusina kung san si Nana naghuhugas ng pinagkainan. Gulat siyang napalingon sakin.
"Oh? Anong nangyare nak? Ba't umiiyak k----"
Di ko na siya pinatapos at hinawakan ko ang kamay niya ng mahigpit at dali-daling pumunta sa likod ng bahay.
"Nak?" nahihimigan ko ang pagtataka ni Nana pero di ko siya pinansin, ang importante ngayon ay makalabas kami ng bahay bago pa kami maabutan nung mga lalaking yun.
Kalaban ba sila nila Kuya?
Pumunta kami sa likuran ng bahay, hinawi ko ang mga halamang baging na nakaharang doon.
"Nak? Ba't may ganito sa likod ng bahay? Di ko alam na may ganito pala dito." rinig ko pang sabi ni Nana.
Nginitian ko lang siya at sinimulang pindutin ang code ng pinto. Narinig ko naman ang pagclick nito at agad ko itong binuksan.
"Jusmiyo!! Anong lugar toh?! Bahay ba toh? Condo?" gulat na gulat na usal ni Nana.
"Hidden room po ito Nana ni Kuya Blaze. For emergency lang po ito." tipid kong sagot dito. Alam kong di pa siya satisfied sa naging sagot ko.
Nilibot ko ang buong paligid gamit ang paningin ko. Masasabi kong mukhang condominium ito dahil bukod sa mukha nga itong ganun ay kumpleto na din ito sa gamit. Modern ang design ng hidden place ni Kuya at wala akong alam kung sino ang gumawa nito dito pero alam kong si Kuya ang nagplano nito.
Nalaman ko lang ito nung araw na sinabi ni Kuya sakin na member siya ng isang gang. Di ko nga alam nung una kung ba't kami nasa harap ng baging na hinawi ko kanina, kala ko maglilinis kami kasi mukhang makapal na ang mga baging sa pader sa likod bahay pero nagulat na lang ako nung hinawi niya yun at may pinindot na code, nalaman kung pintuan pala yun papunta nga dito sa lugar na toh.
Mukhang bahay bahayan na niya yata toh dahil may mga family pictures pa dito na nakalagay sa isang table sa gilid na kasama na doon si Nana.
May dining, may kitchen at limang kwarto. Wala itong palapag, isang simpleng kwarto lang na kumpleto na sa gamit.
Pinaupo ko si Nana sa sofa doon. Kinuha ko ang remote ng malaking flatscreen TV doon at binuksan ito. May pinindot ako sa remote hanggang lumabas sa screen ang nangyayare sa loob ng bahay. Sa mga kwarto, sa kusina, sa garden, sa sala, sa rooftop at mismong sa likod ng bahay kung saan kami dumaan kanina.
YOU ARE READING
Greatest Fear
Teen FictionGangster... maraming kababaihan ang nahuhumaling o tipo ang mga lalaking tulad nito. Bad boy ang kadalasang tipo ng mga babae sa ngayon. Pero, katulad din ng iba, kabaliktaran ang tipo ni Ceia, wala nga lang siyang planong magkaroon ng boyfriend dah...