Limang araw na ang lumipas matapos mangyari ang insidenteng yun at ang panaginip, bangungot yun para sakin.
Buti na lang at may mga gawain ako sa school kaya di ko masyado yun naisip at napanaginipan ulit.
Sa lahat ng grupo sa video presentation namin na yun, ay ang grupo KO kasi ako lang naman ang pinagawa nila, pero kung di siguro ako ang gumawa tiyak na bibigyan kami ng mababang score, siyempre with effort ang videong ginawa ko noh. Inexplain explain ko pa yun sa harap nila lalong-lalo na sa guro kaya binigyan kami ng mataas na score.
At sa wakas ay friday na naman ulit. Ang bilis ng oras at araw.
Sa limang araw matapos ang insidenteng yun, ni di nagpaparamdam sakin si Zephyr na ikinapasalamat ko, pero di ko pa din maiwasang masaktan at manghinayang.
Kasi diba mahal ko na siya. Pafall yata yung stealer na yun eh! At ang dami kong tawag sakanya. Stealer, jerk. Tss! Yun naman talaga siya eh. Di ko mapigilang maisip siya. Namimiss ko na siya sobra. Swerte yung stealer na yun ah. Buti't may palihim na nagmamahal sakanya at namimiss siya. Ako kaya? Nimimiss niya? Mahal din ba niya ako? Di ko maiwasang bumuntong hininga.
"Hoy! Pangatlong buntong hininga mo yata yan ah." siko sakin ni Saige kaya napatingin ako sakanya. Inirapan ko lang siya.
"Pangatlo? Binilang mo pa talaga ha?" si Rya habang kumakain ng ice cream sa cup. Nagkibit balikat lang si Saige sakanya.
"Aba siyempre! Kanina pa yan habang papunta tayo dito sa mall. Nakocurious nga ko eh! Ikaw ba Rya, nakocurious din?" sagot naman ni Saige.
Tss! Mga walang magawa tong mga toh eh! Uuwi na sana kami ni Kuya kanina nung hinarang ba naman nila ang kotse namin. Si Saige talaga ang numerong uno, makaharang kasi parang di delikado, buti na lang napreno agad ni Kuya ang kotse.. pag hindi, baka tumilapon na siya kung saan at maraming bandage sa katawan ngayon.
Mukhang gusto yata nilang makidnap ako ng mga gangster na yun, kung makaaya naman kase sa mall parang hindi public ang pupuntahan namin. Malay ko ba, baka ang ibang gangster na yun nagdidisguise lang dito. Di ko maiwasang kabahan pag iniisip ko yun. Napabuntong hininga ulit ako.
"Apat!! Oh apat na yan Rya, curious ka na ba?" sino pa ba? Tss! S-A-I-G-E! Lukaret talaga.
Tinuon ko na lang ang tingin ko sa labas ng glass wall habang umiinom ng chocolate frappe. May grupo ng magbabarkada na babae't lalaki ang biglang dumaan sa harap, sa pagkakatanda ko mga kabatch namin toh eh.. mukhang nakilala nila ako, kumaway sila sakin na bored kong ikinatango at uminom ulit ng frappe at sa ibang direksiyon tumingin.. bahagya pa silang nagulat.
Tss! Akala ba nila kakaway din ako? Tsh! Close ba kami?
"Ho-hoy!! Sama naman neto. Dapat kumaway o ngumiti ka man lang. Syete!! Loka-loka ka talaga" bahagya pa niya akong tinulak. Tinignan ko siya ng masama.
"Patagal ng patagal, nagbabago na yang tabas ng dila mo Saige ah. Nu nangyari sa childish na Saige?" mataray kong tanong sakanya na ikinairap niya.
YOU ARE READING
Greatest Fear
Teen FictionGangster... maraming kababaihan ang nahuhumaling o tipo ang mga lalaking tulad nito. Bad boy ang kadalasang tipo ng mga babae sa ngayon. Pero, katulad din ng iba, kabaliktaran ang tipo ni Ceia, wala nga lang siyang planong magkaroon ng boyfriend dah...