Pagkabell na pagkabell hudyat na recess na, parang mga pinakawalang biik ang mga kaklase ko na nagsisiunahan sa magkabilang pinto. Inayos ko ang mga gamit ko saka nilagay sa bag.
"Wren bilisan mo, maunahan pa tayo sa canteen eh" napatingin ako kay Saige habang sinasarado ko ang bag ko.
"Saige kahit anong advanced mong pumunta ng canteen, tiyak na mahaba pa din ang pila dun. Sa laki at rami ba naman ng mga estudyante dito sa school." sabi ko at tumayo na saka dinaanan sila at dumiretso sa pinto.
Napapikit ako nung biglang sumulpot ang dalawa sa magkabilang gilid ko at pinulupot na naman ang mga braso sa magkabilang braso ko.
"I'm starving na kase Wren eh" ngumungusong sabi ni Saige.
"Me too" sabi pa ng isa. Lihim akong napabuga ng hininga at medyo binilisan ang paglakad. Halos magkandaugaga na sa paglalakad ang dalawa kong kasama dahil sa paglalakad ko. Wala naman akong narinig na reklamo yun nga lang nangangalay na ang mga braso ko dahil sa bigat nung sakanila.
Slim naman ang pangangatawan nila, ba't mabigat ang mga kamay ng mga toh? Dun siguro napupunta ang mga kinakain nila. isip ko
Bahagya kaming huminto sa gilid ng pinto ng canteen. Pasimple kong tinanggal ang mga kamay nila sa magkabilang braso ko, di naman nila yun napansin kase halos mabali na ang leeg nila sa kakasilip sa loob. Inayos ko ang shoulder bag ko saka sinundan ang dalawa na pumasok na pala.
Iba pala talaga ang mga toh pag nagutom, nangiiwan. Tss!
Halos magsalubong ang kilay ko dahil sa mga taong napapatingin sa gawi namin, parang.. saken? Napataas ang kilay ko. Yeah, saken nga.
Big deal ba dito ang transferee? I guess so?
Ang lapad at ang laki ng canteen. Di ko na yata mabilang ang mga tables na kung ikumpara samin sa Cebu ay nabibilang ko pa sa daliri ko, pero dito, napapailing na lang ako saka sinundan ang dalawa na sumisiksik na sa ibang mga estudyante para makapunta sa unahan ng pila.
Di ko mapagilang mapabuga ng hininga habang tinitignan ang dalawa.
Mukha akong yaya nito eh. Tss!
Mahigpit kong hinawakan ang bag ko at nakisiksik na din. Di naman kase ang dalawang toh ang nakisiksik din eh, halos pati ang iba ay ganun din. Dahil sa kakasiksik ko, di ko namalayan na nabunggo na pala ako ng ibang mga kalalakihan kaya madali akong natumba sa sahig. Ang kaninang maingay ay unti-unting tumahimik saka isa-isang tumingin sa direksiyon ko. Tumawa ang lahat pati na din sina Saige at Rya saka ang mga estudyanteng kumakain ay isa-isang tinatapon ang mga balat sakin. May grupo ng kababaihan na lumapit sakin. Napatingala ako sakanila, napasinghap ako nung sabay nilang binuhos ang malamig na juice sa buhok ko. Mas lalong lumakas ang tawanan pati mga guro at canteen personnel ay nakisabay na din.
Mabilis kong iniling ang ulo ko sa kabaliwan kong imahinasyon. Ayokong makisiksik. Ang paulit ulit na isip ko. Baka ano pang mangyareng kahihiyan pag nakisiksik pa ako. Ang crowded ng buong paligid. Tsk! Kainis!
YOU ARE READING
Greatest Fear
TeenfikceGangster... maraming kababaihan ang nahuhumaling o tipo ang mga lalaking tulad nito. Bad boy ang kadalasang tipo ng mga babae sa ngayon. Pero, katulad din ng iba, kabaliktaran ang tipo ni Ceia, wala nga lang siyang planong magkaroon ng boyfriend dah...