"Sigurado ka ba Wren?"
"Oo nga Rya..mauna na kayo ni Saige pauwi..uuwi din naman ako pagkatapos"
"Oh sige..kung yan ang gusto mo..Mauna na kami Wren..bye"
"Bye!Ingat kayo!"
"Ikaw din"
Tiyaka ko sila tinignan pababa ng stairs.Napabuntong hininga naman ako saka dumiretso sa locker room.
Uwian na kasi..may mga iilang estudyante din akong nakakasabay papunta sa locker room.
Nilagay ko na ang mga ibang gamit ko dun kabilang na ang dalawang makakapal na libro ko sa subject na Filipino at Literature.Para gumaan naman ang bag ko at iwas buhat pagkauwi...tinatamad kasi akong magbitbit.
Sinara ko na ang locker at nilock yun sabay lakad ko habang yumuyukong binubuksan ang bag at nilalagay ang susi sa wallet ko.
"Ouch!"
"A-aray!"sigaw ko habang hinihimas ang noo ko..napapikit pa ako dahil sa kirot.
"Di ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?!"
Naiangat ko ang ulo ko at bahagyang nagulat dahil ang ganda niya..mukhang anghel ang itsura at maaliwalas tignan na di ka talaga magsasawa.Kaso nadisappoint ako bigla..mala anghel nga ang mukha..pero yung ugali naman kamusta?!Psh.
Napabuntong hininga na lang ako dahil kasalanan ko din naman.
"I'm sorry Miss..di ko sinasadya"sincere kong sabi habang yumuyuko yuko pa.
"Haysstt!!ba't ba ang daming tanga ngayon sa mundo?"pagsusuplada niya habang kinakausap niya ang sarili at naglakad paalis na padabog.
Liningon ko pa siya.
"Ba't ba ang daming tanga sa mundo??Nye nye nye..mukha mo."inis kong bulong habang masamang tinignan ang likod niya..papalayo na ito at lumiko pakanan na ang hula ko ay papuntang CR.
"Alam mo naman sigurong yumuyuko ako..di ka man lang kusang umiwas..ang tanga mo nga"dagdag ko pa at inayos ang bag at naglakad papunta sa stairs pababa.
Nakabusangot akong pumunta ng parking at nakita ko pa dun si Kuya habang tumatawa.May kasama itong dalawang lalaki na tumatawa din.Unang napansin ako ni Kuya at ngumiti nung lumapit na ako.
"Nakabusangot ka yata?"
"Tss!!Wala..madami kasing tanga"inis na sabi ko matapos maalala ang huling sinabi nung malditang babae kanina.
Natawa naman ang dalawang kasama niya at bahagyang tinapik tapik pa si Kuya sa balikat.
"Ito ba yung kapatid mo bro?"tanong nung medyo dark blonde na buhok.Tumango naman si Kuya dun.
YOU ARE READING
Greatest Fear
Teen FictionGangster... maraming kababaihan ang nahuhumaling o tipo ang mga lalaking tulad nito. Bad boy ang kadalasang tipo ng mga babae sa ngayon. Pero, katulad din ng iba, kabaliktaran ang tipo ni Ceia, wala nga lang siyang planong magkaroon ng boyfriend dah...