Author's POV.
Napasigaw si Ceia at dali-daling bumangon sa kama saka inayos ang sarili.
"Oh my god! Oh my god!" paulit ulit nitong sigaw.
Sa kabilang banda naman, napabangon din si Zephyr dahil sa sigaw ng dalaga. Soundproof ang wall nito kaya't hinayaan niyang nakabukas ang pandalawahang pinto para marinig ang kung anumang ingay mula sa kwarto ng dalaga. At di nga siya nagkakamali.
Halos takbuhin na niya palabas ang kwarto nito kahit di naman kalayuan ang pagitan ng kwarto ng dalaga. Namumutlang lumapit ito sa pinto at kumatok.
Kulang na lang masira ang pinto ng kwarto ni Ceia dahil sa malakas na katok ni Zephyr. He can't help it dahil kinakabahan ito. Kung anu-anong negatibo ang pumapasok sa isipan niya.
"Beybie!! Are you okay?! Open the door please!!" sigaw naman niya dito. Kakatok pa sana ito nung bumukas ang pinto. Kaya't napatigil ang kamao niya sa ere. He sighed in relief habang binababa ang kamao.
"Sorry beybie... Naalala kong lunes pala ngayon. Kuya and Nana will gonna kill me!" halata ang pag-aalala nito.
Mabilis itong lumapit sa dalaga. Hinawakan nito ang magkabilang balikat na ikinatigil ng dalaga.
"Calm down beybie. They'll know that your here in my place, so don't be bother. No one will gonna kill you. No one"
Napatingin ang dalaga sakanya. Parang bulang nawala ang kaba at pagkabahala na nararamdaman niya kani-kanina lang.
Boses at hawak pa lang ng binata, napapagaan na agad nito ang pakiramdam niya. Kasabay pa nito ang pagbilis ng tibok ng puso niya na di niya makalma kalma. Parang may sariling isip na titibok lang ito ng mabilis sa kung kailan at sino ang gusto. God knows how she love this guy.
Napabuntong hininga naman ito at pilit pinapakalma ang sarili saka tumingin ito sa binata.
"Good morning beybie" malambing ang boses na sabi nito pagkatapos niyang dampian ng halik ang binata sa labi nito.
"I love you too" saka ito hinalikan sa labi.
Akala niya dampi lang pero tumagal iyon ng ilang oras...joke! Tumagal iyon ng ilang minuto.
Tumugon naman ang dalaga dito. Wala siyang alam sa mga halik halik, pero parang may kung anong mahika ang binata na napapasabay siya dito.
Deymn! He's a good kisser!
Di niya mapigilang mag-alala, baka mabobore ito sa halik na hindi niya kayang higitan kung paano ito humalik sakanya.
Ginaya niya ang nakikita niya sa telebisyon. Pilit na pinapakalma nito ang mga nanginginig na mga braso at dahan-dahang inilagay sa batok ng binata ang kamay at mas pinalalim pa nito ang halik.
Nagtataka nga siya kung bakit ganun pa din ang amoy ng hininga ng binata na alam niya namang bagong gising ito. Samantalang siya, err.. sakanya na lang yun.
Nasa beywang na nito ang kamay ng binata. Ramdam niya ang pawis na unti-unting tumutulo sa likod nito samantalang namumuo naman ang butil ng pawis sa noo niya. Ba't ang init bigla?
Marahang hinahaplos haplos nito ang likod niya. Ang gaan sa pakiramdam. She's like a fragile one, the touch of Zephyr's hand trailing her back has care and love.
"We should stop" napakunot ang dalaga sa sinabi ng binata matapos humiwalay ang labi nito sakanya pero nanatiling nasa batok ang kamay nito.
YOU ARE READING
Greatest Fear
Teen FictionGangster... maraming kababaihan ang nahuhumaling o tipo ang mga lalaking tulad nito. Bad boy ang kadalasang tipo ng mga babae sa ngayon. Pero, katulad din ng iba, kabaliktaran ang tipo ni Ceia, wala nga lang siyang planong magkaroon ng boyfriend dah...