"Ceia... wake up!!""Hmm.."
"I said wake up.. nandito na tayo."
"Hmm..mauna ka na..natutulog pa ako eh!"
*a moment of silence*
"Ceia Wren Murielle!!! Wake up!!"
Napabangon ako bigla. Nakita ko si Kuya na masama ang tingin sakin at salubong ang kilay. Napanguso ako.
"Kuya naman! Natutulog ako e"pagmamaktol ko. Napabuntong hininga pa siya at bahagyang lumabas sa sasakyan.
"Lumabas ka na diyan. Naipagluto ka na ni Nana ng pagkain mo" sabi niya habang nakacrossed ang mga braso.
*0*
Biglang nawala ang antok at pagod ko pagkarinig ko nun.
"Talaga Kuya?" sabi ko pa. Tumango tango lang siya at ngumiti.
Dali-dali akong lumabas ng sasakyan at dumiretso sa loob ng bahay niya. Oo bahay niya... mayaman tong lokong toh eh!!
"Nana Mimi!!!!" sigaw ko nung nakita ko siyang naghahanda ng mga plato sa mesa.
"Ceia?! Naku naman oh! Ang laki laki mo na..dalagang-dalaga ka na talaga! Payakap nga.."sabay inahanda ang dalawang kamay.
Ngumiti ako at tumakbo papalapit sakanya.
"Namiss ko po kayo Nana."nakangiting sabi ko.
"Hmm..talaga ba iha?"
"Opo naman po! Pati nga po yung mga luto niyo e! Kaya nga tumaas pa ako lalo at nalampasan ko yung cute nyong height! hehe"sabay kalas ko sa yakap niya. Tumingala siya sakin.
"Bolera kang bata ka. O sige na kumain ka na.." sabi niya."Ooppps" pigil niya sakin nung aastang kakain na ako. Pabiro siyang tumingin sakin ng masama."Maghugas ng kamay bago kumain. Kaw talaga!"at aastang kukuritin ako sa singit.
"Nana naman! Malaki na ako..wag mo na akong ganyanin.."maktol ko. Natawa siya at kinurot ako sa pisngi.
"Biro lang iha. O sige na maghugas ka na ng kamay mo."utos niya.
Sinunod ko naman siya at kumain na. Pumunta ako pagkatapos sa kwarto at nagbihis ng pambahay na damit. T-shirt at pedal shorts ang usually kong sinusuot, di ako yung tipo ng babaeng girly. Conservative akong tao especially sa mga damit at di din ako mahilig sa mga make-up make-up at dresses.
YOU ARE READING
Greatest Fear
Teen FictionGangster... maraming kababaihan ang nahuhumaling o tipo ang mga lalaking tulad nito. Bad boy ang kadalasang tipo ng mga babae sa ngayon. Pero, katulad din ng iba, kabaliktaran ang tipo ni Ceia, wala nga lang siyang planong magkaroon ng boyfriend dah...