Nakasandal ako sa pader habang nakacrossed ang mga braso ko. Bored na bored na ako at the same time,pagod na pagod. Ang dami na namang activities kanina na more on research. Tas may video presentation pa about sa most beautiful tourist spots dito sa Pilipinas.. buti sana kung mga responsable yung nga kagrupo mo.. wala eh! sadyang umaasa lang talaga sa leader at yung pinakaworst... ako pa ang naatasang gumawa ng lintek na video na yun kahit di naman ako ang leader!! Bwiset!
"Kuya Blaze.. sige na po.. sandali lang naman po kami tsaka promise po! Iuuwi namin ng buong buo itong friend namin! Walang labis! Walang kulang!"
"Oo nga po Kuya Blaze.. kita mo naman oh! Mukhang pagod na pagod na at kailangan magfresh up.. kawawa naman.. minsanan lang naman eh at tsaka libre ni Rya.. hihi!"
"What?!! Ba't ako na naman?!"
"Kanino ba yung mall na pupuntahan natin?"
"Akin? But.. it doesn't mean na ako na lahat.. malulugi yung mall k-- "
"Ah basta!! Tinawagan ko na kanina si Tito't Tita and guess what.."
"Ano na naman?"
"They'd agree!! Hahahaha!! Kaya whether you like it or not.. lilibrehin mo kami! Haha!"
"Eisshh!!! Bahala kayo diyan!! Pag yung mall ko nalugi.. ibebenta ko kayong dalawa sa mga Chinese Tycoon na kilala ko.."
Napailing na lang ako sa dalawang toh. Aso't pusa na naman. Ang kulit!
"Hey hey! Enough na girls.. oh sige.." automatikong nilingon ko si Kuya nung sinabi niya yun. Tumingin din siya sakin at kita kong bumuntong hininga siya. "But please.. please.. Don't leave my sister alone.. always take her wherever you go.. even in the...comfort room.. pfft!"
"Kuya!!! Just.. Aishhh!!! nakakainis ka na ah! kanina ka pa Kuya!" Pagdadabog ko at umalis sa pagkakasandal. Akala ko seryoso na siya, di pala. Psh!
Mabilis namang lumapit ang dalawa sakin at inilingkis ang kanya-kanyang braso sa braso ko at mahinang sinabayan ng tawa si Kuya.
"Zup!Dude! Girls!"
Napatingin kaming apat sa biglang nagsalita.
"Kuya Rhett Kuya Emile.. pengeng favor" napatingin sakin sina Kuya Rhett. Nagtatakang tingin ang binigay nila sakin. Ngumiti naman ito agad at nagsikaway din sila na sinuklian ko ng matamis na ngiti.
YOU ARE READING
Greatest Fear
Teen FictionGangster... maraming kababaihan ang nahuhumaling o tipo ang mga lalaking tulad nito. Bad boy ang kadalasang tipo ng mga babae sa ngayon. Pero, katulad din ng iba, kabaliktaran ang tipo ni Ceia, wala nga lang siyang planong magkaroon ng boyfriend dah...