CEIA'S POV.
"Oh hey Blaze! Wanna join the party?"
Naalarma ako sa narinig ko. Si Kuya..
"Wag si Kuya please.. I'm begging, wag si K-kuya.." mahinang bulong ko kasabay ng pagtulo ng luha ko. Tumahimik ang buong paligid at unti-unting nagsihalakhakan.
Gusto ko man silang pagsisipain pero di ko magawa dahil nakatali ako. Ramdam ko pa nga na makapal na lubid ang ginamit nila. Sobrang higpit na pag isang galaw mo lang ay parang gusto mong sumigaw sa sakit dahil parang pati buto ko nakatali na din. Takot yatang matakasan. Tss!
Nakapiring din ang mga mata ko, pasalamat nga ako dahil di din masyadong mahigpit tama lang. Ramdam ko pa din ang gamot na ginamit nila kanina sakin. Nanghihina pa din ako at antok na antok pero pilit ko pa ding tinitiis na di matulog. Nahihilo pa din ako.
Di ako komportable sa position ko ngayon. Nakaupo ako, nakatali ang mga kamay sa likod ko. Nakatali din pati sa mga paa ko. Amoy na amoy ko din ang mga alak at usok ng sigarilyo. Di ko alam kung san ako dinala ng mga toh. At yung kanina..
Di ko akalain na isa din siya sa pasimuno ng pagdukot sakin. Akala ko pa naman mabait siya, bait-baitan lang pala. T*ng*na niya!
Narinig ko pa ang pagsigaw ni Kuya sa telepono sabay pinatay ang tawag na di ko alam kung sino. Napuno ng halakhakan at tawanan ang paligid na parang tuwang-tuwa pa sila sa nangyayari.
Ba't kasi may ganitong tao sa mundo? Ba't puro kasamaan na lang ang palaging nagbibida-bidahan? Sana matapos na toh.
Nakayuko lang ako habang pinapakinggan ang halakhakan at tawanan nila, nag-iinuman pa yata sila. Tss! May oras pa silang mag-inuman? Dahil ba nagawa na nila ang matagal na nilang pinaplano? Na nadukot na nila ako?
Biglang may narinig akong yabag sa di kalayuan na nagpatahimik sa kanila.
"Uyy Draco, halika't uminom! Haha!"
Mapait akong umiling at ngumiti. Ngayon, alam ko na kung bakit ganun ang pakikitungo ni Zephyr sakanya.
Angel outside. Demon inside. Tsk! Ang plastic!
Wala akong narinig mula sakanya. Naalarma ako nung may yabag ulit na papalapit sa direksiyon ko. Sinimulan ulit akong kabahan at pagpawisan. Tahimik akong nanalangin na sana wag nila akong saktan o gawan ng anumang katarantaduhan. Kundi patay sila kay Kuya at kay Zephyr.
Huminto ang yabag sa bandang kanan ko. Anong gagawin nito sakin?
"Hoy Draco!! Wag mong galawin yan!! Patay tayo kay boss! " sigaw ulit ng lalaki kanina.
So, may pinakaboss pa pala sila? Kung ganun, sino? Ba't niya ako pinadukot na alam naman nilang wala silang makukuha sakin? Napaka talaga ng mga toh!!!
"Hey.. si Draco toh" bulong niya at naramdaman kong pinantayan niya ako sa gilid. Inilihis ko ang mukha ko sa ibang direksyon.
"Di ako tanga. Alam ko" matigas at seryosong sabi ko. Bumuntong hininga siya.
YOU ARE READING
Greatest Fear
Teen FictionGangster... maraming kababaihan ang nahuhumaling o tipo ang mga lalaking tulad nito. Bad boy ang kadalasang tipo ng mga babae sa ngayon. Pero, katulad din ng iba, kabaliktaran ang tipo ni Ceia, wala nga lang siyang planong magkaroon ng boyfriend dah...